Betong
Betong sulit ang ‘pagpapahirap’ sa sarili!
SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - November 23, 2019 - 12:00am

Very successful ang katatapos na first major concert ni Kapuso actor-comedian si Betong Sumaya, ang Try Ko Lang Ha? Betong’s Amazing Concert sa Music Museum last Thursday evening, November 21. 

‘Literal’ na pinahirapan ni Betong ang sarili niya na birthday celebration din niya. Bakit ‘pinahirapan’ ni Betong ang sarili niya? Mula kasi sa opening hanggang closing ng show, walang number na hindi siya kasama, mapasayaw o kanta man plus comedy skit pa, kahit tumagal ang concert ng more than three hours na hindi siya iniwan ng audience.

Opening pa lamang, dance number na, then kumanta siya mala-Regine Velasquez ng sunud-sunod na OPM songs na may birit pa. 

Si Alden Richards ang first sa kanyang special guests, sing and dance sila. Magkasama sila ni Alden ngayon sa inspirational drama nilang The Gift. Sinuportahan din sila ng mga kasama nila, nanood din sina Jean Garcia, Christian Vasquez, Tetay, Ysabel Ortega at si Direk LA Madridejos.

Sinuportahan din si Betong ng mga co-star niya sa gag show na Bubble Gang at may sexy dance number sina Valeen Montenegro, Lovely Abella at Chariz Solomon na sinamahan din ni Betong. 

Pinalakpakan nang husto ang pagpasok ni Betong na naka-Antonietta character niya sa Bubble Gang, kasama si Michael V. na naka-costume na kamukha ni Antonietta at ang pangalan ay si Amponietta. Hindi rin binigo ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes si Betong, kasama sina Arthur Solinap, Carlo Gonzales, Chuckie Dreyfus at Maey Bautista, mga kasama ni Betong sa Survivor Philippines kung saan siya ang nag-champion. 

Ilan pa sa guests ni Betong sina Aicelle Santos-Zambrano, Maricris Garcia, Anthony Rosaldo at Miguel Tanfelix.

May nag-propose ng marriage na isang taga-GMA, si Oswald, sa girlfriend nitong si Sheena, sa gitna ng show. Present din ang mga executive ng GMA Entertainment TV at GMA News & Public Affairs na halos maiyak sa tuwa dahil sa tinanggap niyang suporta mula sa fans at mga kasama sa trabaho. 

Kaya sulit naman ang ‘pagpapahirap’ ni Betong sa sarili.

Congratulations, Betong!

Marian masaya sa ibinigay na birthday kay Zia

Today, November 23, ang real 4th birthdate ng panganay nina Dingdong Dantes at Marian Rivera na si Maria Letizia. Pero noong November 19, nag-celebrate na siya nito with her classmates sa school na ang theme ay Unicorn. Siyempre pa, ang punung-abala sa birthday celebration ay ang Mama niyang si Marian na nag-post sa kanyang Instagram ng “Mama is so happy when I see you happy. This genuine smile of yours is priceless! Love you Ate Zia!”

Since weekend ngayon, tiyak na may ibang plano sina Dingdong at Marian para sa birthday ni Zia, out of town kaya sila? Wait na lang tayo ng mga ipo-post nilang photos.

Happy birthday Zia!

BETONG SUMAYA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with