Nora Aunor, Mylene Dizon at Kyline Alcantara
Gagawing serye ni Nora kasado na!
SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - November 22, 2019 - 12:00am

Nag-story conference na ang bumubuo sa cast ng bagong teleserye ng GMA Network, ang Bilangin Ang Bituin Sa Langit. TV adaptation ito ng hit and critically acclaimed movie nina Nora Aunor at Tirso Cruz III na ipinalabas noong 1989, mula sa Regal Films na dinirek ni Elwood Perez.

Ang lead stars sa teleserye ay tatlong magagaling na aktres sa magkakaibang hene­rasyon, si Nora Aunor, Mylene Dizon at Kyline Alcantara.

Ang iba pang bubuo sa cast ay sina Zoren Legaspi, Ina Feleo, Yasser Mata, Isabel Rivas, Divina Valencia at Gabby Eigenmann. May special participation naman sina Ricky Davao at Dante Rivero. Ang award-winning filmmaker na si Ms. Laurice Guillen ang magdidirek ng serye.

Ang huling teleserye ni Nora last year sa GMA ay ang Onanay with Jo Berry.

Nakatakda na silang mag-taping sa last week of November or first week of December na mapapanood simula sa huling linggo ng January, 2020, sa GMA Afternoon Prime.

Alden puring-puri ng editor-in-chief ng sikat na magazine sa Dubai

Pinuri si Alden Richards ng editor-in-chief at publisher ng Xpedition Magazine sa Dubai, si Josh Yugen. Hindi raw niya in-expect na magiging ganoon kadali ang kanilang pictorial, dahil madalas ay may fans na lumalapit kay Alden para magpa-picture. Pero iba nga ang naging experience niya na ipinost niya sa kanyang Instagram account.

“I honestly thought that the shoot would be a bit difficult one – because @aldenrichards02’s face is so humble and intrinsically – so angelic. Well, I know he is in real life, his humility and kindness exudes from within and he is kind to everyone (from the executives to the crew and especially to the fans who would stop him for a bite, during our lunch,,, to take his picture) he is just so jolly, so giving and generous to all of them. Although what struck me most is his enchanting transformation from a very simple guy to an international, high fashion couture  model that is needed for our particular theme. I guess a real gifted artist can nail any shoot but only a Multimedia King like Alden can rise ang shine against any challenge – Josh Yugen, Editor-in-Chief and Publisher @Xpeditionmagazine.”

May fans namang nagtatanong kung magiging available ba sa Pilipinas ang copies ng Xpedition magazine. 

NORA AUNOR
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with