^

Pang Movies

Sen. Manny ginagawa ang lahat para kay Jinkee

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Sen. Manny ginagawa ang lahat para kay Jinkee
Ji Chang-wook at Jinkee

Sure ako na kapag si Ben Chan ang magdadala kay Ji Chang-wook sa Pilipinas Salve, puwede lang makuha ang meet-and-greet tickets kung bibili ng Bench products sa designated stores ang fans ng sikat na Korean actor.

Sure din ako na marami uli ang pipila at mahaba ang pila para makita nang personal si Ji Chang-wook na pinuntahan pa nang personal ni Jinkee Pacquiao sa South Korea.

Sa second life ko, gusto ko na champion boxer ang magiging dyowa ko at dapat, kasing sikat siya ni Champ Manny Pacquiao para makita ko nang personal si Jo In-sung.

Si Champ Manny lang ang nakagawa ng paraan na maka-dinner nila ni Jinkee ang favorite Korean actor ng kanyang misis. Big fan kasi ng boxing si Ji Chang-wook at alam natin na sikat na sikat at tinitingala sa Korea si Champ Manny.

Bongga ang Mama Jinkee ko. Face to face sila ng idol niya while eating dinner at kapag nangyari ito sa amin ni Jo In-sung, baka himatayin ako. Hay naku, dream big talaga.

‘Iba pag nawalan ng nanay’

Iba talaga ang feeling kapag ang mother ang nawawala sa pamilya.

Nagpunta ako sa wake ng 86-year old mother ng isang kaibigan ko. Matured na ang lahat ng mga anak niya at meron nang sariling pamilya pero dama mo sa kanila na napakalaking bagay ang nawala.

Parang mga paslit pa rin sila na nagsabi ng “Papaano na kami, wala na si nanay?”  to think na may kanya-kanyang pamilya na sila.

Ganoon ang pakiramdam nila dahil sa loob ng siyam na buwan, dinala tayo ng ating mga ina sa kanilang sinapupunan, lumaki tayo na siya ang protector natin at taga-gabay.

Masyadong mahigpit ang link nila sa atin para hatiin, ang warmth ng dibdib at yakap niya habang lumalaki tayo give us the comfort to face life.

Parang enough na to give us courage and peace of mind ang presence niya, kahit alam natin na physically wala na siyang magagawa.

Hindi talaga malalagyan ng price ang mother’s love. The mere fact that she carried us in her womb, na puwedeng maka-danger sa sariling buhay niya is enough para ibigay natin ang pagmamahal at respeto sa kanya habang buhay.

The biggest lost, the most painful in one’s life is losing your mom. I honor their sadness, totoo na dapat nga sila na malungkot. Mother is our most precious gem. Love thy mother. Honor and respect them.

Pelikula ni Xian next year na ipalalabas

Dalawang pelikula pala ni Xian Lim ang ipalalabas sa mga sinehan sa 2020, ang Untrue at ang Love The Way You Lie.

Si Cristine Reyes ang leading lady ni Xian sa Untrue at si Alex Gonzaga naman ang kapareha niya sa Love The Way You Lie.

Ang Untrue ang closing film ng Quezon City International Film Festival noong nakaraang buwan. Supposedly, ngayon dawNovember ang playdate ng Untrue sa mga sinehan pero nag-decide ang Viva Films na i-release ito sa February 2020 na perfect for Cristine dahil turning 31-years-old na siya sa February 5.

vuukle comment

JI CHANG-WOOK

JINKEE PACQUIAO S

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with