^

Pang Movies

Boyband PH watak-watak na!

VEROFIED - Veronica Samio - Pang-masa
Boyband PH watak-watak na!
Boyband PH

Marami na ang nagsisimulang maghanap sa Boyband PH. Bihira na kasi itong mapanood sa mga programa ng ABS-CBN. Meron naman kasing variety shows ang Kapamilya kung saan puwede silang ilagay pero bakit wala sila? 

Pinagbuhusan sila ng panahon ng ABS-CBN para mabuo, para makakumpleto ng limang naggagwapuhang lalaki na talagang marunong kumanta.

Nandyan pa rin naman ang grupo, kakantang magkasama kung kinakailangan, pero magkakanya-kanya muna sila pansamantala, para siguro ma-establish ang sarili nila.

House speaker Allan Cayetano inuna ang luho?!

Habang lumalaon ay panipis na ng panipis ang paggalang ko para kay  Speaker of the House A­llan Peter Cayetano. Buti na lamang at hindi ko siya kadistrito, ikakahiya ko sana siya. Aakalain ko ba na nagawa pa niyang ipagtanggol ang paggawa ng SEA Games cauldron na nagkakahalaga ng mahigit P50-M.
Saang anggulo man nating tignan, nagpapakita ito ng luho at yabang lalo’t sinusugan na siya ni President Rodrigo Duterte, kahit maraming indulto ang dumarating ng bansa na kinakailangan nating gastusan dahil pera naman ng bayan ‘yun at hindi nila. Tsk tsk tsk.

Inigo nakikilala na sa ibang bansa

Wala naman akong masabi sa anak ni Piolo Pascual na si Inigo Pascual. Nakaka-proud ang ginawang pagpapakita nito ng music video ng s­ingle niya ng Catching Feelings sa halfway game ng laban ng LA Clippers vs. Oklahoma Thunders na ginanap sa Staples Center. Napakalaking boost ‘yun sa singing career ni Inigo at maging sa ating bansa dahil ang video ay kinunan dito sa Pilipinas.

Napanood locally ang music video ng Catching Feelings kahapon sa MYX.

vuukle comment

BOYBAND PH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with