Ruffa seryoso nang magpapayat!

Ruffa

Nagkagulatan kahapon sa taping ng Mars Pa More ang magkaibigang Ruffa Gutierrez at Alice Dixson.

Si Alice ang guest sa first episode at second episode naman si Ruffa.

Napanood ko ang taping ni Ruffa at ang saya.

Nagluto rin si Ruffa na hindi naman niya ginagawa before.

Sabi ni Ruffa, type na niyang matutong magluto ng healthy dishes. Yes, nagsisimula na uli ng diet si Ruffa.

Today ang start niya ng fitness training sa isang coach na tumulong din noon kay Raymond Gutierrez para makapagpapayat.

Sabi ni Ruffa, seryoso na uli ang kanyang balik-alindog program.

Tuluy-tuloy raw ang pagkakaroon niya ng health coach dahil three months daw ang pinirmahan niyang agreement sa nasabing coach.

Ang bongga!

Richard ratsada sa promo

Si Richard Gutierrez naman ang magti-taping sa Magandang Buhay ng ABS-CBN bukas.

Para sa promotions ng Unbreakable movie nila nina Bea Alonzo at Angelica Panganiban sa morning talk show nina Karla Estrada, Jolina Magdangal at Melai Cantiveros.

Ratsada na ang promotions ng Unbreakable dahil sa November 27 na ang showing nila.

Noong Monday, sa Zambales naman nag-shooting ang stars ng Unbreakable.

Jean mukhang bata pa rin

Nakita ko rin kahapon sa GMA 7 si Jean Garcia.

In fairness, ang bata pa rin ng hitsura ni Jean.

Isa si Jean sa mga artistang suwerte at hindi masyadong nagkakaedad ang hitsura, huh!

Ang bongga!

Wilma pinalitan muna si Iya

Si Wilma Doesnt sa taping kahapon ng Mars Pa More sa GMA 7.

Ang comedienne/model ang co-host ni Camille Prats sa taping kahapon ng morning show ng Kapuso network. Absent si Iya Villania.

Nasa Mexico raw si Iya para sa isang junket.

May iinterbyuhin doon si Iya na ipapalabas sa Chika Minute ng 24 Oras.

Pero babalik daw siya kaagad ng bansa at sa Tuesday ay balik na sa taping ng morning talk show nila ni Camille.

Show comments