Julia walang kawala sa mga intriga
Julia
Julia walang kawala sa mga intriga
VEROFIED - Veronica Samio (Pang-masa) - November 18, 2019 - 12:00am

Wala talagang magagawa si Julia Montes, susundan at susundan siya ng mga tao saan man siya magpunta hangga’t walang linaw ang relasyon nila ni Coco Martin. Senyales na ito na talagang kinagigiliwan na nila ang kanyang pagbabalik.

Si Coco naman ay abala pa rin sa FPJ’s Ang Probinsyano. Gusto naman niyang mapanood ito sa Europe. Nakita niya ang ganitong posibilidad nang sumama siya sa grupo ng ASAP Natin ‘To sa Roma at nakita niya kung gaano karami ang Pinoy sa bahagi na ‘yun ng mundo na giliw na giliw sa panoo­ring Pinoy.

Fans excited na sa pagbabalik ni Diego

Dapat bawasan na ni Diego Loyzaga ang nararam­daman niyang hindi maganda sa kanyang amang si Cesar Montano at isipin na lamang na meron siyang ina at stepmom na maaaring magpuno ng kakulangan ng ama sa buhay niya.

May bonus pa siyang half sisters na mahal na mahal siya.

Everytime he visits with his mom Teresa Loyzaga at kahit hindi nila napag-uusapan, nararamdaman niya na maski sila ay excited sa kanyang comeback, pero malaki ang paggalang nila sa kanya kaya ipinauubaya nila sa kanya ang desisyon.

Naibalik na ni Diego ang kanyang pangangatawan, in fact mas lalo siyang naging pogi ngayon at hindi naman nawawala o kumukupas ang galing sa pag-arte, but its his decision, ang mahalaga, malaki ang suporta niya from family.

Ted Failon pinupuri sa ginawa sa Pangulo

Kailangan bang si Ted Failon pa ang kumausap kay Pangulong Ro­drigo Duterte para ito makaringgan ng magaganda at matinong salita hinggil sa mga problema ng bansa?

Muli na naman akong humanga sa Pangulo sa ginawa niyang pakikiharap sa anchor ng DZMM o ABS-CBN. O baka gusto lamang niya ang pangyayari na gumugugol ang network ng panahon para sa research bago nila direktang ipaabot ang mga problema sa kanya. Kapuri-puri rin ang paggalang na ipinamalas ni Failon sa Pangulo. Maraming nalaman sa kanya si P. Digong. Mabuhay ka, Ted.

JULIA MONTES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with