Diego mas maaliwalas na ang hitsura!

Diego

Aktibo na muli si Diego Loyzaga sa social media. Kailan lang ay nag-post ito ng photos via Twitter kung saan nasa isang animal shelter siya kasama ang kanyang ina na si Theresa Loyzaga.

Birthday iyon ni Theresa kaya nag-cele­brate sila sa pamamagitan ng pagbisita sa Second Chance Aspin Shelter Philippines, Inc. (SCASPI) sa Canlubang, Laguna.

Binati pa ni Diego ang kanyang ina via Twitter with matching throwback photo.

Namahagi ng maraming sako ng pet food ang mag-inang Theresa at Diego sa naturang shelter. Nakipag-bonding din si Diego sa ilang rescued animals tulad ng dogs and cats. “Today, we made some dogs and cats happy!” tweet pa ni Diego.

Marami ang nakapansin na mas guwapo ngayon si Diego at mukha na itong masaya sa buhay. More than a year na kasi itong naging inactive sa showbiz simula noong bigla itong nawala dahil sa balitang suicide attempt nito last year.

Binati si Diego ng kanyang mga kaibigan na na-miss na siyang katrabaho tulad ng best friend niyang si Jerome Ponce.

Maraming nagtatanong kung magbabalik showbiz na ba ito next year dahil mukhang maayos na ang kalagayan niya. Pero walang direktang sagot si Diego sa mga tanong na ito.

Huling napanood si Diego sa ABS-CBN teleserye na Los Bastardos kung saan pinatay ang character niya dahil sa biglang pamamaalam niya sa showbiz.

BF ni Rhian hindi mahiyain

Pinakilala na sa publiko ng Kapuso actress na si Rhian Ramos ang kanyang bagong boyfriend.

Taga-Tel Aviv, Israel ang bagong boylet ni Rhian na nagngangalang Amit Borsok.

Sinamahan ni Amit si Rhian sa naganap na red carpet premiere ng pelikulang The Annulment kung saan bida ang isa sa best friend niya na si Lovi Poe.

Hindi naman nag-deny si Rhian tungkol sa relasyon niya kay Amit sa mga nagtanong mula sa media. “Yes, he’s my boyfriend. He’s also friends with Lovi, so we’re here to support her,” ngiti pa ni Rhian.

Ayon sa aktres, nakilala raw niya si Amit last year through common friends.

Hindi naman mahiyain ang bagong boyfriend ni Rhian dahil ito pa ang nagkuwento na ayaw magpaligaw ni Rhian pero naging makulit siya rito. “She kinda didn’t want to go out with me for about a month. She said she was not in the right place but I was kinda persistent until I convinced her. And it worked!” pagsagot pa ni Amit sa mga nagtanong dito.

Kaka-break lang daw kasi ni Rhian noon sa kanyang boyfriend na si Jason Chuachoy na nakarelasyon niya for three years. Nabanggit pa noon ni Rhian na si Jason na raw ang lalaking nakikita niyang pakakasalan niya. Pero bigla silang nag-break last year.

Anyway, January 30, 2020 ang first year anniversary nila Rhian at Amit bilang couple.

Aaron Carter na-confine dahil sa sobrang pagod

Naka-confine sa ospital ngayon ang singer na si Aaron Carter dahil sa exhaustion.

Nagkasunud-sunod daw ang trabaho ni Carter at noong hindi na kinaya ng kanyang katawan ang pagod, tinakbo siya sa Ascension Sacred Heart Emerald Coast in Florida kung saan sinabihan siyang mag-rest ng ilang araw para mabawi nito ang kanyang lakas.

Noong September, inamin ni Aaron ang tungkol sa mental health issues niya. Dala raw ito ng pakikipaghiwalay sa kanya ng mga babaeng nakarelasyon niya.

“The official diagnosis is that I suffer from multiple personality disorder, schizophrenia, acute anxiety; I’m manic depressive. I’m prescribed to Xanax, Seroquel, gabapentin, hydroxyzine, trazodone, omeprazole,” sey pa ni Aaron.

Show comments