Pambato ng âPinas sa Miss International âdi nakasungkit ng korona!
Pambato ng ‘Pinas sa Miss International ‘di nakasungkit ng korona!
TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis (Pang-masa) - November 13, 2019 - 12:00am

Pero feeling nanalo na rin daw

Hinayang na hinayang ang mga nanood sa live streaming ng Miss Internatio­nal 2019 na ginanap sa Tokyo Dome, Tokyo, Japan.

Hanggang Top 8 lang kasi ang inabot ng pambato na­ting abogado, si Atty. Patch Magtanong eh ang husay-husay niyang rumampa at mag-speech.

Ang dami kasing magagandang kasali. Eighty two official candidates ang naglaban-laban sa korona.

Nagwagi si Miss Thailand Sireethorn Leearamwat  habang 4th runner-up si Miss United Kingdom Hariotte Lane, 3rd runner up si Miss Columbia Maria Alejandra Vengoechea, 2nd runner up Miss Uganda Evelyn Namatovu, at 1st runner up si Andrea Isabel Toscano Ramirez ng Mexico.

Ayon sa kay Patch, masaya na siya sa naging karanasan sa naganap na pageant hindi man siya naging ika-7th Pinay na nakakuha ng nasabing korona.

Pakiramdam niya raw ay nanalo rin naman siya.

Judy Ann pinupuri sa pagiging muslim

Pinupuri na agad ang pelikulang Mindanao starring Judy Ann Santos matapos itong bigyan ng Grade A ng Cinema Evaluation Board (CEB).

Ang nasabing pelikula ay isa sa eight official entries sa 2019 Metro Manila Film Festival na mag-uumpisang ipalabas sa mga sinehan sa December 25, Christmas Day.

Gaganap na misis ng sundalong nakikipaglaban sa ‘giyera’ sa Mindanao ang actress. Isang ina rin siyang ginagawa ang lahat para sa anak nilang may sakit.

Tagos sa puso ang kuwento at ang husay ni Judy Ann sa pelikula na dinirek ni Brillante Mendoza.

Nauna na itong naipalabas sa Busan International Film Festival and Tok­yo International Film Festival.

MISS INTERNATIO­NAL 2019
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with