Inday Barretto
Inday Barretto pinagdududahan ang pagsali sa giyera ng mga anak!
ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pang-masa) - November 5, 2019 - 12:00am

Linggo nang hapon lumabas ang isang post mula sa Instagram account na @estrellabarretto kung saan sinasabi niya na siya mismo ang tinutukoy na Inday ni Marjorie sa video, at nangyari diumano iyon matapos ang isang mainitang pagtatalo tungkol sa bahay nila sa Subic. Pero ang post na iyon ay sandali lang at nawala rin agad.

Muling lumabas ang screenshot ng nasabing post nang ilagay iyon ni Claudine Barretto sa kanyang Instagram at sinabi niyang “the truth shall prevail”.

Mabilis namang inalmahan ni Marjorie Barretto ang lumabas na mga post ni Claudine. Pinayuhan niya ang kapatid na uminom muna ng mga gamot na pampakalma.

Agad itong sinagot ni Claudine ng : “Oh my! What happened? Why did you TAG YOURSELF Marjorie? Tsk tsk don’t worry I drank my meds. So should you. Mock me all you want BUT NOT PEOPLE WITH MENTAL ILLNESS. don’t your children see a psychiatrist?”

Sinabi rin ni Marjorie na maghanda na rin daw itong makipagtuos sa kanya sa korte. Ibig sabihin, ang susunod niyang hakbang ay idemanda na lamang ang kanyang kapatid.

May nagsasabing siguro nga mas mabuti pa iyon dahil matitigil na ang putakan sa publiko at mababawasan ang iskandalo. Oras na magharap sila ng kaso sa korte, maaari silang humingi ng gag order para wala nang makapagsalita kahit na sa pamamagitan ng social media.

Pero ang paniwala namin, matatapos ang lahat ng controversy na iyan kung mismong ang kanilang inang si Inday Barretto ang magsasalita, hindi iyong post lamang sa internet. Magbigay na siya ng statement para malaman kung sino talaga ang nagsasabi nang totoo. Tiyak iyon, kung sino man ang makapaglalabas ng interview kay Inday Barretto, tatalunin sa ratings ang interview ni Atong Ang.

Pero ang tanong, sino ang kukumbinsi kay Inday Barretto na magsalita na para matapos na ang lahat ng mga controversy na iyan? Kami ay naniniwalang panahon na nga para siya ay magsalita. Ang ginawang post sa internet ay pinagdududahan pa kung siya nga mismo ang gumawa, o ginawa niya ang statement nang sa sarili niyang kalooban.

Tutal kung magkakaroon ng kaso, tiyak iyon tatawagin din naman siya ng korte para tumestigo, isasailalim pa siya sa cross examination na siguro nga mas makaka-stress sa isang matandang 82 years old na.

Sunshine uminit ang dugo nang tawaging malandi ang anak

Hindi maitago ni Sunshine Cruz ang galit sa isang basher na nagbibintang sa kanyang anak na nilalandi umano nito ang kaibigang si Kyle Echarri. Nagbibintang ang basher na nakikipag-date si Samantha kay Kyle at ganoon din si Lorin Gutierrez kahit daw alam na ng dalawa na si Kyle ay may ka-love team na.

Maliwanag na ang basher ay fan ng isang love team. Nilinaw ni Sunshine na ang kanyang anak ay kaibigan lang ng male star, at isa pa, ano nga ba ang pakialam ng isang fan sa buhay ng ibang tao?

Minsan sumosobra na ang pakikialam ng mga fans na iyan na isa sa pinakamasamang epekto ng social media. Mas dumami ang mga bastos sa lipunan.

Aktres, suki ng milyonaryong may-ari ng gasolinahan  

“Favorite girl,” ang tawag ng isang millionaire na may-ari ng mga malalaking stores at gas stations sa isang female star, dahil “always available” raw iyon kung kailangan niyang makasama. Kahit na raw madaling araw ay bumibiyahe ang female star at nagpupunta sa isang gasoline station kung saan ang may-ari ay may isang luxury room doon mismo sa lugar na iyon.

Kilala na rin daw ng mga gasoline boy ang kotse ng female star, kaya hindi na lang sila tumitingin basta pumapasok iyon sa gas station at hihinto sa tapat ng office mismo nila.

INDAY BARRETTO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with