Jessy, Vilma
Jessy ‘momski’ na ang turing kay Ate Vi!
SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - November 4, 2019 - 12:00am

Sa Taiwan nag-celebrate ng kaarawan si Star For All Seasons Vilma Santos kahapon (Nov. 3) base na rin sa Instagram post ni Jessy Mendiola. Yes, kasama ang aktres sa bakasyon ng pamilya ni ate Vi sa nasabing bansa which means part na siya ng family.

Naka-post sa IG story ni Jessy ang short video ng celebration kung saan ay makikitang kinakantahan nila si ate Vi ng birthday song. Bukod kay Luis Manzano, makikita rin sa vid ang asawa ni Cong na si Sen. Ralph Recto. Nakalagay sa caption ang location na “Taipei.”

Makikita rin sa caption ni Jessy na “momski” na ang tawag niya kay ate Vi.

“Happy birthday po momski @rosavilmasantosrecto. We love you very much!” ang caption ni Jessy.

Bukod dito ay nag-post pa ulit si Jessy sa mismong Instagram page niya ng pagbati kay ate Vi.

“Happy birthday po Momski! Thank you for always being so caring and kind to all of us. Stay beautiful, happy and healthy Momski! We love you very much!” ang second greeting ni Jessy.

Sarah sa Europe pa kukunin ang wedding gown

Umalis patungong Europe si Sarah Lahbati kunin ang kanyang wedding gown para sa nalalapit nilang kasal ni Richard Gutierrez.

“Left for Europe to pick up my wedding dresses for a few days without my boys!  I’ll be gone for only more than a week but this will feel like a year to me lol thank God for FaceTime!!!  I’m gonna miss you all so much,” ang caption ni Sarah sa kanyang IG post na larawan nilang mag-anak.

Ikakasal sina Sarah at Richard sa March, 2020 dito sa Pilipinas.

Mga anak ni Ogie proud sa kanyang pagiging beki

Dahil nga may asawa’t mga anak ang talent manager/comedian/produ­cer na si Ogie Diaz, marami ang nalilito kung ano ba talaga ang kanyang kasarian.

“Bakla ako,” diretso niyang sagot nang tanungin siya ng isang kasamahan kung gay ba siya talaga.

“Bakla ako, even my kids, alam na bakla ako,” dagdag niya.

Paano niya ito in-explain sa kanyang mga anak?

“Hindi ine-explain. Kailangan, physically present ka. Tapos, ‘yung mga kaibigan ko, mga bakla, nakikita nila. At saka, walang ano, hindi na big deal sa kanila kung bakla ang tatay nila. Actually, sobrang proud sila,” sagot ni Ogie.

Diretso ring natanong si Ogie kung non-practicing gay na ba siya at sagot niya, “kailangan. Kasi, naglalakihan na ‘yung mga anak ko, lalo na, tutok kami sa premature baby namin.”

Of course, hindi naman nawawala raw na nagkakagusto siya sa lalaki, pero ginagamit na lang daw niya ito sa pagdi-discover ng new talents.

Actually, isa talaga sa kapuri-puri kay Ogie ay ang pagiging responsable niyang ama sa lima niyang anak at asawa kay Georgette del Rosario. Dito niya kinabog ang mga totoong lalaki na bukod sa babaero, iresponsable at nanakit pa ng asawa.

Anyway, sa pelikulang iprinodyus ni Ogie na Two Love You, ilang percent nito ay kwento ng kanyang buhay at katuwang din siya sa nagsulat ng script nito.

Pinagbibidahan ni Lassy Marquez, Yen Santos, Hashtag Kid Yambao at MC Calaquian, showing na ngayong Nov. 13 ang Two Love You.

JESSY MENDIOLA VILMA SANTOS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with