^

Pang Movies

‘Di na kinaya? Nadine lilihis sa kategorya nila Kathryn?!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
�Di na kinaya? Nadine lilihis sa kategorya nila Kathryn?!
Nadine

Marami ang nagulat sa naglabasang pictures ni Nadine Lustre noong isang araw na nakabilad ang isang pisngi ng kanyang puwet at ganoon din ang itaas na bahagi ng kanyang dibdib. Kung noong una ay puro swimsuit lang ang ginagawang pagpapa-sexy ni Nadine, ngayon mukhang sensual na ang kinalabasan ng kanyang pictorials.

Siguro nga iyon ang naisip nilang move para maka-score naman ang kanyang career. Inamin nilang mahina ang dalawang huling pelikula niya at kasabay noon nakapag-rehistro naman ng all time high sa box office si Kathryn Bernardo.

Ibig sabihin, baka nga mahirapan na siya kung lalaban siya sa ganoong level. Kailangan umiba na siya. Kaya nga baka naisip nilang magpa-sexy na siya.

Kasi lahat ng female stars ngayon pa-wholesome eh. Wala pang nagpapa-sexy kaya siguro naisip nilang iyon naman ang pasukin ni Nadine, after all mukhang wala naman talagang planong pagsamahin sila agad ni James Reid kung sakali.

Kahit naman noong araw ay lumaban din sa ganyan ang kanyang mga producer. Hindi ba sa Viva rin naman sumikat noon sina Joyce Jimenez at Amanda Page? Hindi ba naka-score naman nang matindi sa takilya noon iyong mga pelikula nilang Warat at Gayuma? Simula noong tumigil iyong dalawa, wala na silang sexy stars, at tutal mukhang game naman sa ganyan si Nadine, bakit nga ba hindi?

Nasa tamang edad na rin naman si Nadine para magpa-sexy. Nasa tamang kundisyon naman ang kanyang katawan, kaya bakit nga ba hindi? Sa tingin din namin iyon ang maganda niyang subukan sa ngayon dahil sa dati niyang level, maliwanag na talo na siya. Kailangan umiba naman siya ng linya.

Anong malay n’yo, kung magpa-sexy si Nadine baka naman maging malaking hit na ang kanyang gaga­wing pelikula.

Julia may kiss at pa-cake sa birthday ni Coco!

Si Julia Montes mismo ang nag-post ng isang picture ni Coco Martin, at naglagay ng caption na “HBD” dahil birthday nga ng actor kahapon, pero may karugtong iyon. May kiss at cake emoji. Para sa mga observers, may kahulugan iyon. Bakit nga naman maglalagay ng kiss emoji kung simple greeting lang iyon. Dahil doon tumibay ang paniniwala ng iba na totoong may itinatagong relasyon ang dalawa sa kabila ng lahat ng kanilang ginawang denials.

Hindi pa rin naman namamatay hanggang ngayon ang tsismis tungkol sa panganganak diumano ni Julia. Hindi pa rin namamatay ang usapan na ang tatay ng sinasabing isinilang ni Julia ay si Coco.

Sa ngayon walang kumpirmasyon iyan pero naniniwala kaming darating ang isang araw na mas malilinawan natin kung ano ang katotohanan.

Ilang taga-industriya nag-first All Souls Day

Ngayon ay araw ng mga kaluluwa. Ito ang unang araw ng kaluluwa na ginugunita natin ang ilang mga kasamahan natin sa industriya na nauna na. First all souls’ day ito nina Amalia Fuentes, Isah Red, si Mama Milagros Santos at iba na sunud-sunod at minsan ay sabay-sabay na ipinagluksa ng industriya.

Ipanalangin na lang po natin na sana masumpungan nila ang liwanag na walang hanggan, at ang kapayapaang walang katapusan sa kanilang kinaroroonan ngayon.

Requiem aeternam donais Domini, et lux perpetua luceat eis requiescant in pace.

vuukle comment

NADINE LUSTRE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with