Carla at Rhian may reunion sa teleserye!
SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - October 22, 2019 - 12:00am

Maraming netizens ang natuwa, especially ang fans nina Carla Abellana at Rhian Ramos, nang i-announce ng GMA Network na may bagong te­leserye na pagsasamahan ang dalawang mahuhusay na actress. Pareho kasi silang matagal-tagal na ring walang trabaho sa GMA pero naggi-guest naman sila sa ibang shows ng network.

Ang Love of My Life ang family drama series na pagsasamahan nila.

“I’m glad na muli kaming magkakatrabaho ni Carla, huli pa kaming nagsama, five years ago, sa My Destiny,” sabi ni Rhian. “We played sisters, pero dito, hindi kami gaganap na magkapatid.”

“Bale isang reunion project ito sa amin ni Rhian,” sagot naman ni Carla. “Nakakatuwa na after five years muli kaming magkasama sa isang project.”

Na-excite rin sina Carla at Rhian nang malamang makakasama nila for the first time si Ms. Coney Reyes.

“I’m happy naman nang malaman kong I will be working with a new team,” sabi naman ni Coney.“First time kong makakatrabaho sina Carla, Rhian, Mikael (Daez) at Tom (Rodriguez). First time ko ring magiging director si Don Michael Perez.”

Last project na ginawa ni Coney sa GMA Network ang Victor Magtanggol ni Alden Richards last November, 2018.

Wala pang exact date of airing ang Love of My Life na nagsimula nang mag-taping at kung saan ito ipapalit sa primetime block ng GMA.

40 contestants sa Miss Millennial nagpakita na

Wala pa ring exact date na ibinibigay ang Eat Bulaga kung kailan gaganapin ang coronation ng mapipiling Miss Millennial 2019. Pero kahapon, Monday, October 21, nagsimula na silang ipakita ang talents ng bawat contestant mula sa 40 lugar sa buong Pilipinas, comprising Luzon, Visayas at Mindanao. Eight contestants ang nagpapakita ng kanilang talents sa isang araw, meaning sa Friday, tapos na ito.

Meanwhile, patuloy na nagbibigay ng Pamaskong handog ang longest running noontime show at nagsimula na sina Pia Guanio at Ryan Agoncillo na dumayo sa iba’t ibang lugar para hatiran ng mga Pamasko ang mga kababayan natin sa pupuntahan nilang lugar. First stop nila ang Candelaria at Tiaong in Quezon.

Bela dedma sa maikling role sa pelikula nila ni Aga

Sandali naming nakausap si Bela Padilla bago siya nag-host sa announcement ng apat pang pelikula na bubuo sa eight official entries sa coming Metro Manila Film Festival (MMFF) sa December. May entry siya, ang Miracle in Cell #7 na makakasama niya si Aga Muhlach. Aware raw si Bela na maikli lamang ang role na gagampanan niya sa movie version ng Korean drama, pero sa kanya raw tumatak ang role niya.

“Hindi po kami magkakasama ni Kuya Aga dahil bata pa ako nang makasama niya sa story,” maikling kuwento ni Bela. “Pero ako po ang magtatanggol sa tatay ko nang maging lawyer na ako. May konti pong twist kami doon sa Korean version na talagang humanga ako kay Kuya Aga nang mapanood ko na.”

CARLA ABELLANA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with