Gazini Ganados hinahanapan ng signature walk sa Miss U 2019!
SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza (Pang-masa) - October 19, 2019 - 12:00am

Habang wala pang ina-announce na official venue ang Miss Universe 2019, patuloy ang training ni Miss Universe-Philippines 2019 Gazini Ganados bilang paghahanda sa naturang pageant.

Hinahanapan nga ng media si Gazini kung meron na ba itong signature walk? Kailangan daw kasing mapantayan niya ang naging viral at memorable Lava Walk ni Miss Universe 2018 Catriona Gray.

Ayon sa beauty camp ni Gazini, meron na raw silang winu-workout na signature walk nito pero wala pa raw silang name para rito.

Kasama rin daw ang pakikipag-consult ni Gazini sa mga past Miss Universe winners na sina Catriona at Pia Wurtzbach. “Some people said training for the Binibini is harder than that of Miss U. The Bb. Pilipinas preparations are pretty tough. It’s just a matter of recalling it and trying to improvise. I’m almost there,” sey ni Gazini.

Kailan lang ay nakasama si Gazini sa celebration ng World Smile Day kung saan sinamahan nila ang maraming bata para sa isang charity event ng Smile Train at Operation Smile.

Christian ayaw i-pressure ang misis na mabuntis

Hindi pa raw buntis ang misis ni Christian Bautista na si Kat Ramnani.

Marami kasing nagtatanong sa Kapuso singer kung kailan na sila magkakaroon ng baby.

Magwa-one year kasi silang kasal ni Kat this coming November at gusto sana ng mga tagahanga ni Christian ay may laman na ang tiyan ni Mrs. Bautista.

Pero ayon kay Christian, hindi raw niya pine-pressure ang kanyang misis na magbuntis agad. Kung kailan na lang daw ito ready, doon na nila pagpaplanuhan.

GAZINI GANADOS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with