^

Pang Movies

Gretchen hindi nagpakita sa ama!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Mabilis na kumalat kahapon ang balita na namatay si Miguel Barretto, ang 82-year-old father nina Gretchen, Marjorie at Claudine.

Si Claudine ang unang nag-post sa Instagram tungkol sa pagpanaw ng kanilang ama kaya agad na bumuhos ang mga pakikiramay sa pamilya nila.

Siyempre, si Gretchen ang hinahanap dahil sa magkakapatid, siya na lang ang hindi napapabalita na dumalaw sa kanilang ama habang naka-confine ito sa ospital.

Noong nabubuhay pa ang kanilang ama, may mga panawagan kay Gretchen na bisitahin sa ospital ang tatay niya.

Mahirap na maghusga na hindi dinalaw ni Gretchen ang kanyang ama. Malay natin, baka bumisita siya pero hindi na ipinaalam sa publiko. Puwede rin na nagpadala siya ng tulong sa pamamagitan ni Claudine dahil magkasundo naman sila.

Malalaman natin ang katotohanan sa mga susunod na araw dahil tiyak na tututukan ng mga mahihilig sa showbiz controversy ang mga ganap sa burol ng Barretto patriarch.

Papa Mike at Papa Joey, BFF at parehong relihiyoso

Dalawa sa pinakapaborito at respected ko na lalake ang nagdiwang ng kaarawan, si Papa Mike Enriquez na birthday noong September 29 at si Papa Joey de Leon na nag-celebrate ng kanyang 73rd birthday noong October 14 sa Turkey.

Talagang hindi natin aakalain na parehong very religious at mga Marian devotee sina Papa Mike at Papa Joey na BFF sa tunay na buhay.

Si Papa Mike, napakabait na boss kaya love na love siya ng staff niya sa DZBB at 24 Oras. Si Papa Joey naman, masarap na katrabaho at napatunayan ko ito sa matagal na pagsasama namin noon sa Startalk.

Masuwerte ako dahil pareho sila na kilala at nakasama ko sa trabaho. Masarap ang  feeling na may kilala ako na mga tao na kagaya nina Papa Mike at Papa Joey na madalas din na magkasama sa pagbabakasyon sa iba’t ibang mga bansa. Happy birthday!!!

Aga mapapanood sa GMA

Mapapanood si Aga Muhlach sa future episode ng Tonight with Arnold Clavio, ang talk show ni Arnold Clavio sa GMA News TV.

Personal daw pinuntahan ni Arnold si Aga sa presscon ng Nuuk noong Lunes para mainterbyu niya ang former matinee idol-turned-award-winning actor.

I’m sure, magiging masaya ang talakayan ng dalawa dahil walang takot magtanong si Arnold sa kanyang mga bisita.

Ang Nuuk ang pelikula ni Aga Muhlach na showing sa mga sinehan sa November 6. Leading lady niya sa Nuuk si Alice Dixson na habang nagkakaedad, lalong gumaganda at bumabata ang itsura.

Hindi ko pa rin nalilimutan ang paghihintay ko kay Alice sa parking lot ng condominium building sa Greenhills na dating tinitirhan niya. Inabot ako ng madaling-araw sa paghihintay kay Alice para lang makuha ko ang pabango na hinarbat ko mula sa kanya.

In fairness, tinupad naman ni Alice ang pangako niya pero nagdusa talaga ako sa paghihintay sa kanya dahil nanggaling pa raw siya sa taping.

vuukle comment

GRETCHEN BARRETTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with