ABS-CBN executives magaganda ang PR
STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - October 10, 2019 - 12:00am

Sayang Salve, hindi ako nakapunta sa meeting ng PAMI sa mga big boss ng ABS-CBN na sina Mark Lopez, Carlo Katigbak, Cory Vidanes at iba pa dahil nga gabi eh vampire beauty ako, baka ma-slay.

Type ko pa naman ang mag-social climbing, rubbing elbow with the executives at tulad ng ibang PAMI members na pictorial galore, sana marami akong selfie photo.

Maganda ang PR ng Channel 2 executive sa mga talent manager, ang dialogue na palaging inaayos ni PatP Daza para sa open communication ng magkabilang-panig.

Ewan ko kung paano nakakaya ng mga senior member ng PAMI ang night schedule or talaga lang mas professional sila kesa akin na maarte at ayaw nang gabi na meeting kaya wala ako sa pictorial, at sa masarap na dinner.

Mabuti na lang, walang giveaway kung hindi, lalo akong maiinggit. Basta hindi successful ang social climbing ko dahil wala ako sa photo op na kasama ang mga top executive ng ABS-CBN.

Fans na mga bastos walang karapatang magbigay ng opinyon!

Ayoko talagang magbigay ng reaction sa comments ng fans dahil parang waste of time. ‘Yung mahihina ang comprehension, kahit ano ang gawin, talagang sarado ang mga utak.

Lagi kong sinasabi na dapat maingat ang fans dahil what they do, nagre-reflect sa idols nila. Kung anong klaseng fans sila, sure ako na ganoon din ang idols nila.

Kung bobo sila, mas bobo siguro ang mga idolo nila. Sa tagal ko sa showbiz, apat lang ang talagang tinamaan ako nang kunin ako na ninang.

Kapag alaga ko, para bang given na mataas ang chance na kunin ako kasi nga alaga ko sila pero nang kunin ako na ninang nina Linggit Tan, Robert Ortega, Michelle Ortega, lalo na nina Dingdong Dantes at Marian Rivera, tinamaan ako sa puso.

Matagal kaming nagsama ni Linggit Tan sa Channel 13 pero bati-galit ang relasyon namin noon at start pa lang ‘yon ng career niya.

Ngayon top executive na siya ng ABS-CBN. Lima lang kaming ninang niya sa kasal, sina Charo Santos, Coney Reyes, ZsaZsa Padilla, at Vilma Santos. Hindi ko akalain na ganoon ako kamahal ni Linggit.

Sina Robert at Michelle Ortega dahil sobrang closely knit ang pamilya nila, usually tito at tita ang kanilang mga ninong at ninang. Sa kasal ni Robert, sina Papa Erap Estrada, Senator Bong Go, mga tito, tita at kasama ako sa principal sponsors.

Nang ikasal si Michelle kay General Greg Pimentel, ang wedding sponsors sina Papa Rodrigo Duterte, Senator Bong Go, Senator Imee Marcos, mga general, congressmen, governor, tito at tita uli pero ang fact na itinuring nila ako na kapamilya ang naka-touched sa akin.

Flattered na flattered ako kina Dingdong at Marian Rivera dahil ikinagulat ko na ganoon pala nila ako kamahal at malaki ang respeto nila sa akin.

OA pero gusto ko na maiyak that time, kasi nga talaga hindi ko alam na ganoon pala nila ako appreciated kaya nagtataka ako sa ilang fans who question my love for Dingdong and Marian.

Ang loyalty ko ang asset ko na gusto ng circle of friends ko. Walang puwede mag-question niyan. I know Marian treats her fans as friends, hindi ordinary fans lang.

Mataas ang tingin ko sa fans/friends niya dahil alam ko hindi sila bobo  mataas ang level nila dahil sina  Dingdong at Marian ang kanilang mga idol.

Sana huwag akong ma-disappoint. Sana,totoo na mga kaibigan nila sina Marian at Dingdong. Sana ‘yung ilan na gusto maging bastos at bobo, hindi totoong fans ng dalawa.

Kaloka kayo, gamitin ninyo ang utak n’yo para makaintindi at huwag basta magbigay ng opinyon.

ABS-CBN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with