Judy Ann Santos
Alden hindi umubra kay Juday!
ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pang-masa) - October 10, 2019 - 12:00am

Hindi inabot ng bagong serye ni Judy Ann Santos ang taas ng ratings ng pinalitan niyang serye ni Angel Locsin nang magsimula sila. Pero inilampaso pa rin nila sa ratings ang serye ni Alden Richards, ayon sa Kantar Media. Wala pang lumalabas na survey ang sinasabing mas credible na AGB Nielsen, pero sa laki ng agwat ng ratings na pinalabas ng Kantar, palagay namin wala namang pag-asang mabaliktad iyon sa survey ng Nielsen.

Ang iniisip namin noong una, baka nga sakaling maka-score na si Alden nang matapos ang serye ni Angel dahil isipin ninyo, anim na taong walang ginawang serye si Juday. Tapos si Alden naman ay kagagaling lamang sa isang pelikulang sinasabing nagtala ng pinaka-malaking box-office record. Kumbaga sa blackjack, five cards ang laban ni Juday. Iisipin ba naman ninyong lumusot pa, at hindi basta lusot, butata ang kalaban.

Ibig bang sabihin hindi talaga umangat si Alden kahit na nakasama siya sa isang hit movie?

Ang mga artista, ayaw na ayaw masasabi ng mga iyan na sila ay gumagawa ng “formula” projects. Pero kung minsan hindi puwedeng hindi eh. Kasi may roles na kaya nilang gawin. May roles naman na magagawa nila pero hindi masyadong kinakagat ng publiko.

Mahirap intindihin na kumita nang ganoon kalaki ang pelikula ni Alden, kaya nga tinawag pa siyang Asia’s Multimedia Star. Nagbayad ang mga taong nanood ng kanyang pelikula. Bakit sa TV na libreng mapapanood, hindi siya maka-advance?

Tatanggapin ba natin na ang lahat ng kredito ng hit movie niya ay dahil lamang kay Kathryn Bernardo?

Sa tingin namin, hindi talaga sapat sa isang artista ang magampanan niya nang maayos ang kanyang role. Kailangan ding mapag-aralan ang “formula” kung anong klaseng role ang ipagagawa sa kanya, at ganoon na muna ang ipagawa sa kanya hanggang sa mas tumibay ang kanyang career.

Sayang eh, nakagawa ng napakalaking hit, tapos kumalembang ang serye.

Shirley Fuentes ligwak agad sa TNT 

 “Gong, gong, gong”. Tatlong sunud-sunod na malakas na gong ang tumapos sa pagkanta ni Shirley Fuentes sa Tawag Ng Tanghalan celebrity edition. The night before, nagpadala pa siya sa amin ng message para ipaalala ang kanyang pagsali sa contest.

Magaling na singer si Shirley kahit na noong araw pa. Sinabi rin naman iyon ng mga judge sa contest na iyon. Pero wrong choice of song ang nangyari eh. Hindi ganoon ang mga kantang karaniwan niyang kinakanta. Hindi namin malaman kung bakit ang kantang iyon ang pinili niya.

Kaunting dagok lang, pero hindi naman iyan ang the end ng singing career niya. Ngayon mas lalo siyang dapat na maging visible para mapatunayan minsan pa kung gaano siya kagaling kumanta.

Dating aktor-aktoran hiniwalayan ng asawa para sa boy toy!

Natatawa na lang ang isang dating male star habang ikinukuwento kung bakit niya hiniwalayan ang asawa niya. Na-meet niya ang naging asawa nang magtrabaho siya sa Japan. Nagpakasal sila, pero noong tumatagal para raw nasasakal na siya. Mukhang ang hinahanap ng asawa niya ay hindi asawa talaga kung ‘di isang boy toy.

Nakipaghiwalay siya. Kasal pa sila, pero nagpakasal nang fake ang asawa niya sa isang dating male sexy star. Iniisip na lang daw niya kung matatagalan ng dating male sexy star ang dati niyang asawa.

Mahirap nga namang maging asawa ang ganoon.

JUDY ANN SANTOS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with