Angel
Angel at Coco inuungutan na magsama sa pelikula
RATED A - Aster Amoyo (Pang-masa) - October 10, 2019 - 12:00am

Last September ay 4th year na bale sa ere ng FPJ’s Ang Probin-syano na pinagbibidahan ni Coco Martin. Kung nawala na sa serye ang mahahalagang characters na ginampan nina Eddie Garcia, Edu Manzano, Lito Lapid, Bela Padilla at iba pa, isa na namang important character ang nalagas, ang role na ginampanan ng actress na si Denise Laurel bilang Major Alex Romero.

Habang patuloy na sinusuportahan ng mga manonood ang serye ni Coco, mukhang wala pa sa immediate plans ng Dreamscape Entertainment na pinamumunuan ni Deo Endrinal na wakasan ang serye.

Samantala, ngayong nagtapos na sa ere ang The General’s Daughter na isa ring action-drama na pinagbidahan ni Angel Locsin, marami ang nagsa-suggest na sana raw ay magkasama sa pelikula sina Coco at Angel na action-drama rin ang tema.

Gloria Diaz walang idea sa Insatiable bago ginawang extra

Ngayong October 11, araw ng Biyernes ay mapapanood ang dating beauty queen-turned actress na si Gloria Diaz sa second season ng Insatiable hit TV series ng Netflix na pinagbibidahan ng Hollywood actors na sina Debby Ryan at Dallas Roberts na kamakailan lang dumating ng Pilipinas to promote the series.

Sobrang overwhelmed si Gloria sa kanyang naging experience at hindi pa rin umano siya makapaniwala hanggang ngayon na napasama siya sa serye.

Wala umanong idea si Gloria tungkol sa TV series na Insatiable ng Netflix kaya tinanong niya ang kanyang mga anak na sina Isabelle at Ava, mga pamangkin at mga kaibigang fashion designers na lahat pala ay pamilyar sa serye.

Natuwa si Gloria nang dumating sa Pilipinas ang dalawang bida ng serye dahil naranasan ng mga ito ang warm hospitality ng mga Pinoy at nakapag-suot din sila ng Filipino creations ng famous Filipino fashion designers.

ANGEL LOCSIN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with