^

Pang Movies

Robin na-highblood sa pagtatanggol kina Cesar, Phillip at Moymoy

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Robin na-highblood sa pagtatanggol kina Cesar, Phillip at Moymoy

Sumagot na si Robin Padilla para ipagtanggol ang mga kapwa-artista na sumama sa 5-day state visit ni Pres. Rodrigo Duterte sa Russia na sina Cesar Montano, Phillip Salvador at Moymoy Palaboy.

Ang mga nasabing artista ay binabatikos ng netizens dahil sa hinalang ang ginastos ng gob­yerno para rito ay ang buwis ng taumbayan.

Ipinost ni Kuya Ipe sa kanyang Facebook account ang video ni Binoe na ipinagtatanggol ang mga kasamahan at may caption na “ayan, napikon na sa inyong mga dilawan ang aming kapatid.”

Paliwanag ni Binoe, hindi raw totoong sinasagot ng gobyerno ang mga pamasahe nila kapag sumasama sila sa Pangulo.

“Binabanatan niyo si Kuya Ipe, si Cesar Montano, at si Moymoy bakit sila nasa Russia.

“At kung sasabihin ng mga bumabatikos na ito na yung mga kaibigan ay binili, nilibre ng pamasahe, hindi po totoo ‘yan,” simula ni Binoe.

“Kami ang bumibili ng pamasahe po namin. Ang mga hotel namin, ang nagbabayad niyan, kami. Mukha ba kaming walang pera? Pambihira naman kayo, o!” sambit pa ng action star.

“May pera po kami at yung perang ‘yan ay gift sa amin ‘yan ng mga taong sumusuporta sa amin. At kapag pumupunta po kami sa abroad, kasama namin ang mahal na Pangulo, si SBG (Senator Bong Go) at ang gabinete, hindi naman po kami nakikisama sa kanila, sa kainan nila, sa kung saan-saan, hindi po.

“Sarili namin, walang kahit isang pulitiko ang tinanggapan namin ng kahit pera o pabor. May pera din kasi kami,” patuloy pa niya.

Nilinaw din ni Binoe na kaya sila sumasama sa Presidente sa ibang bansa ay para mag-entertain sa ating mga kapwa-Pilipino na naroroon.

“Nagpupunta kami, sumasama kami sa Presidente, hindi dahil sa kung anu-anong official business. Sumasama kami dahil para sa mga Pilipino, tandaan n’yo po ‘yan!

“‘Yung mga Pilipinong nandun, sa Japan, sa Russia, kung saan-saan kami napunta. Ini-entertain namin ‘yung mga Pilipino nang walang bayad. Naintindihan n’yo yun, sa mga bumabatikos sa mga artista na pumupunta sa abroad?

“Abono!  Nilalahat ‘yan, abono! Wala! Singko? Wala! Nagsiserbisyo lang kami sa mga OFW (Overseas Filipino Workers) natin. Kasi yung mga OFW, yun ang mga tunay na bayani,” patuloy niya.

Kasunod nito ay kinuwestiyon ni Binoe ang mga bumabatikos kung nagbabayad ba ng buwis in the first place at hinamon niyang magpakita ng dokumento kung magkano ang ibinabayad na tax.

“Hinahamon ko kayo, kahit kayong mga politiko na bumabanat sa amin, maglabasan nga tayo ng tax. Bank account, labas natin ang bank account. Pati ginto n’yo!

“Kilala ko kayo! Kayong mga politiko, kilala ko kayo!” galit pa ring sabi ni Binoe.

Sa halip daw na pasalamat ang mga artista na walang bayad at sarili pang gastos pag sumasama kay Digong ay binabatikos pa.

“Masama ba kaming humahanga sa Presidente? Masama ba kaming sumaludo sa isang Presidente? Karapatan namin ‘yun at pera namin ‘yun, wala kayong pakialam! Pambihira itong mga ‘to!” galit pa ring wika ni Binoe.

Humingi naman ng paumanhin si Binoe sa mga nanonood kung medyo na-high blood daw siya.

PHILLIP SALVADOR

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with