Showbiz couple na honey na ang tawagan, tuloy ang pagsisinungaling sa relasyon

Grabe kung makapag-deny sa kanilang relasyon ang showbiz couple na ito dahil kahit marami na ang nakakakita sa kanila at spotted sa kung saan-saang lugar, kapag tinanong na sa kanilang status, consistent sila sa pagdi-deny.

Kahit mga bossing ng kanilang network ang nakapagkumpirma sa kanilang relasyon nang makitang sabay na dumating sa isang birthday party, nagdi-deny pa rin ang dalawa. Kaya siguro, hindi maawat ng mga bossing ng network ang press people ‘pag may nagsusulat tungkol sa dalawa.

Heto pa, habang nagdi-deny sa mga reporter na BF/GF sila, malutong na “Honey” naman ang kanilang terms of endearment. Narinig ng isang kaibigang reporter ang aktor nang sagutin ang tawag ng aktres at tawaging “honey” na sinasagot naman ng aktres ng “honey” din.

Heart maraming gamit na phone

Ang sagot ni Heart Evangelista na “I use 2 phones:) that’s the reality:) I will never fake it,” sa tweet ng isang netizen na endorser ng Cherry Mobile ang aktres, pero iPhone ang gamit niyang telepono.

Totoo naman kasing hindi na nakakagulat ngayon kung may two or three cellphones ang isang tao, lalo na kung afford magmay-ari ng maraming cellphones. Lalo na sa kaso ni Heart na sobrang busy, maraming tinatawagan at maraming tumatawag, kahit five phones, kakailanganin niya.

Nabasa pala namin ang pasasalamat ni Heart sa mga bumili ng book niyang Styled With Heart, lalo na ‘yung mga nasa probinsya. Ang karamihan sa kanila, para lang magkaroon na ng book copy at mabasa ang laman ng libro, bumili online na alam nating mas mahal kesa nabibili sa bookstore.

Thia nirereto kay Ruru

Magandang kausap si Thia Tomalla dahil lagi itong naka-smile at kahit controversial ang tanong, nakangiti pa rin at hindi napipikon. “Ay, tito!” lang ang narinig naming reaction nito nang intrigahin ni Joe Barrameda kay Ruru Madrid na minsang na-link sa beauty queen turned actress, saka sinundan ng tawa.

Nakausap namin si Thia sa taping ng The Gift dahil siya ang love interest ni Alden Richards at alam niyang kung may hindi natutuwa na kasama siya ni Alden sa GMA primetime, may mga tanggap siya at nagpapasalamat si Thia.

Hindi pa alam ni Thia ang magiging development sa mga karakter nila ni Alden sa The Gift dahil nasa fourth week pa lang ito but so far, masaya siya sa first tele­serye niya at masaya siya nadagdagan ang nakakakilala sa kanya.

Anyway, palabas pa rin ang Regal Entertainment movie na Ang Henerasyong Sumuko sa Love na kabilang sa cast si Thia. Sa October 9, showing ang Black Lipstick na kung saan, ang karakter niya ang magbibigay ng black lipstick kay Kyline Alcantara.

Show comments