^

Pang Movies

Kathryn nagpasalamat sa northern lights

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Nag-post na si Kathryn Bernardo sa kanyang Instagram ng picture nila ni Daniel Padilla habang nagbabakasyon sa Iceland.

Eh ‘yung naglabasang photos nina Kath at Daniel habang nasa geothermal spa na Blue Lagoon eh galing sa fans nila ng litrato, huh!

This time, ang photo ng lovers ay kita ang sikat na Northern Lights or Surora Borealis. May halik pa si Kath sa pisngi ni DJ sa litratong ‘yon.

Saad ni Kath sa caption, “Define magical. The northern lights decided to show up on our first day here, almost as it was welcoming us.

“Thank for showing up, Aurora Borealis! Please feel free to do again in the coming days. We really don’t mind.”

Bakasyon ang rason ng pagpunta sa bansa ng sweethearts at silang dalawa lang ang magkasama ayon sa reports, huh!

AiAi naiyak nang makita ang kinahuhumalingang K actor

Naiyak si AiAi delas Alas sa video nang nanood siya sa fan meet ng Korean oppa na si Park Seo Joon kung saan nagpaka-fan girl siya.

Hindi raw niya kinayang makaharap si Park. “Natawa ako sa sarili ko lakas makaewan haha,” bahagi ng caption ni Ai Ai. Tili niya sa video, “Kung wala lang akong asawa! Ha! Ha! Ha!”

Of course, nagkaroon ng face to face meet si Ai kay Park kasama ang anak niyang si Sophia na fan din ng Korean star.

“Speeechless...tnx Lord at nakatabi ko sya… Thanks bench and bench.chan,” saad ng Comedy Queen sa IG niya.

Very supportive naman ang asawa niyang si Gerald Sibayan sa pagkahumaling niya kay Park.

vuukle comment

DANIEL PADILLA

KATHRYN BERNARDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with