Jericho Rosales
Jericho nag-motor sa Sahara desert
TSUPPATID - Letty Celi (Pang-masa) - September 27, 2019 - 12:00am

Kakaiba ang naging selebrasyon ni Jericho Rosales ng kanyang 40th birthday. Nilibot niya ang Sahara desert gamit ang kanyang motorsiklo. Common knowledge na nakahiligan na ng aktor ang pagmo-motor na malamang ay namana niya sa kanyang ama.

“This is one of the ways i find myself and allow myself to be found. This is beyond happiness. I am so thankful for your grace and love. Not just for me but for the people i care about. Thank you for i made so many mistakes but just like the sand here, you erase the marks every new day. Thank you, Lord for i do not only see how majestic you are. I feel you! And thank you for the person who bought this ticket to the Sahara for me! The next pa­ges of this new chapter will be nothing less than amazing and the words of appreciation won’t only be spoken but will be written in ink from the well of gratitude that will never dry up. Glory!!!,” sabi pa niya sa IG post.

Pasasalamat…

Hindi pa ako totally healed. Still very sick. Pero gagaling ako, with the help of Padre Pio, St. Jude Tadeo, Black Nazareno, Mama Mary at sa dating ka-friendship na wheel chair na regalo sa akin ng GMA7.

Grabe itong sakit na dumapo sa akin na muntik ko nang ikamatay, tabi-tabi po sa mga kumakain, pero ako po ay nagsusuka at dumudumi ng dugo. Pero God is good, ayaw pa ni Lord Jesus na umalis ako, may misyon pa na nakaatang sa balikat ko at sa tulong na rin ng walang humpay na dasal at gamot, heto po ang inyong tsuppatid! Salamat sa Oasis of Love, at sa lahat sa lahat ng mga tumulong sa akin – prayers, datung. Thank you kay Linda Rapadas na walang sawa at pagod. Kaya ako napunta sa Child Haus, isang foundation na ang founder ay walang iba kundi si Ricky Reyes sa tulong ni Sir Hans Sy at mga pamilya Sy ay dahil sa anyaya ni Ricky para hindi masyadong masimot ang aking savings. Sa 3rd floor sa Child Haus na may mga iba’t ibang sakit, bata-matanda, kami ay naka-confine with complete meals at mga gamit sa katawan. Nalaman ni Ricky ang nangyari sa akin kaya kami kinuha sa pamamagitan ni Linda Rapadas. At para malapit sa Philippine General Hospital na ang mga doctor ay magagaling, wala kang bad comments.

God bless to Mowelfund, Mam Boots Anson Roa and King Rodrigo w/ get well soon message, Marian ng GMA 7, wheel chair plus medical supply from Madam Coney Angeles, Cong. Dan Fernandez, Sen. Bong Go, Robin Padilla, Philip Salvador, Bayani Agbayani, my magayon editor Salve Asis, Sandy ES Mariano (PMPC Pres) Mico, Rodel Fernando, Wendell, Willie Revillame, Lolit Solis, Sen. Bong Revilla, Han Sy and family, Bacoor Mayor Lani Mercado Revilla, Ramen Coquia, Joey. Ma. Wauq, Peso Head Ms. Perla, PGH Doctors, EMI, Child Haus staff and employees, Sir Jerry Yap, Maricris Nicasio, Daria Ramirez, Maria de Leon, Joey de Leon, Keempee de Leon at sa mga kasamahan ko sa trabaho specially to Ricky Lo ng The Philippine Star, na ayaw sabihin sa akin ang nagkawang-gawa ng ?20,000 at recently ay ?15,000. God bless kung sino ka man.

At sa mga famous entertainment writers like Ethel Ramos, Aster Amoyo, Virgie Balatico, Jim Astro Bella, ang mga officiating priest nang sorpresahin ako ni Ricky Reyes. Kahit paulit ulit kong pasalamatan si Ricky hindi sapat dahil sa ginagawa mo sa mga mahihirap na may sakit. Ganoon din kay Jenny na walang sawang pag-alalay sa akin, kay Rameng Ate Norma, Norman Sunshine at sa mga neighbors and friends na dumadalaw sa akin, sina Lani, Nori, Ruth at Brenda. Amen!

JERICHO ROSALES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with