‘Death is like a thief in the night’

What a sad Saturday yesterday. I know that in life, may dalawang bagay na sure na sure, ang birth at death.

Death is like a thief in the night dahil hindi natin alam kung kailan darating kaya dapat, lagi tayong handa pero kahit ano ang paghahanda, mabibigla ka pa rin at malulungkot dahil nawala ang isang mahal mo.

You feel happy kapag sa pagkawala mo, may mga kaibigan ka who will always remember you with a smile, who will always pray for your soul.

How does God choose who to get first? Who to extend, who will be given a longer stay in the world?

Hindi natin alam, wala tayong malalaman kaya basta tanggapin na lang natin. But one thing I feel happy about, ‘yung dalawa na nauna sa atin, nadama ko na marami ang nagmamahal, marami ang tinamaan sa puso.

Nadama ko ang lungkot sa lahat ng mga nakausap ko, nadama ko ang pagmamahal nila sa kanila. Goodbye Isah Red, goodbye Mel Chionglo. Will see you again. Bless your souls, our prayers. Condolence.

Creations ng fashion designer na si Michael Leyva, sosyal na sosyal

Ewan ko ba kung bakit pictorial ako nang pictorial sa wedding ni Ice Martinez noong Biyernes sa Manila Cathedral kaya nahihiya na tuloy ako.

Naloka yata si Secretary Martin at wife Alellee Andanar dahil kapag kinukunan ang wedding entourage, kasali ako to the point na hiyang-hiya na ako.

Natuwa ako nang lapitan ako ng fashion designer na si Michael Leyva, nag-selfie kami at sinabi niya na nagbabasa siya ng mga Instagram post ko.

Cute at batang-bata pa si Michael na isa sa mga gusto ko ang mga creation.

Bongga ang Kikay Girls dahil sosyal ang mga gown na suot nila pero naloka ako kay Marlene na talagang sinusundan ng mga assistant ni Mark Bumgarner para ayusin ang damit niya.

In fairness ang ganda ng wedding gown ni Ice na gawa ni Michael. Happy ako sa sinabi ng favorite at trustworthy secretary Martin Andanar na magkakaroon uli siya ng chitchat with the showbiz press, bongga.

Pero dahil nasa altar na ang magiging bagong Mr. and Mrs. Jan and Marice Pajarillo, tumakas na ako. Baka mamaya, nakaw-eksena na naman ako, shy na shy na ako.

Magpapagawa muna ako ng gown kay Michael Leyva, magpapaayos kina Kylie at Kris ng Bambbi Fuentes salon para beauty sa pictorial ‘di ba?

‘Thank God for the gift of detachment’

One gift I really thank God for ay ang ibinigay niya sa akin na gift of detachment. Yung bang kapag nag-cut ties ako, totally nagagawa ko talaga na parang wala lang, hindi ka na naging part ng life ko.

Isa rin bagay na eversince, ewan ko kung tama o mali, ang pagiging confrontational ko. Once na may narinig ako, hindi ako papayag na hindi agad harapin, itanong o kaya kunin ang sagot sa isyu na gusto ko na i-clear out.

Ang akala ng iba, palaaway ako but no, hindi ba mas maganda na kapag may gusto ka na malaman, itanong mo agad ang sagot para alam mo o bakit sinabi ‘yon sa tao.

These two attitudes of mine, taglay ko mula nang mag-umpisa ako sa showbiz up to now kaya either you take it or you don’t, bahala ka.

Basta hanggang ngayon naman, nandito pa rin ako so baka good formula din di ba?

Show comments