_pang-masa
^

Pang Movies

Erik at Angeline makiki-boodle fight sa karneng baboy

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Erik at Angeline makiki-boodle fight sa karneng baboy

Malapit sa businewoman/philanthropist na si Pinky Tobiano ang singers na sina Erik Santos at Angeline Quinto, kaya dalawa sila sa mga celebrity na makiki-boodle fight ngayong hapon sa isang covered basketball sa may Veteran Village, Quezon City.

Puro pork dishes ang handa roon bilang support sa Pinoy pork.

Sabi ni Pinky, safe kumain ng Pinoy pork at huwag maniniwala sa mga tsismis na hindi dapat kumain ng karneng baboy.

Side A hinahabol sa sikat na bar & restaurant

Alam mo, Ateng Salve, for your birthday on Monday, type kitang isama sa 19 East Bar & Restaurant sa East Service Road (after Bicutan and near Sucat) dahil nagustuhan ko ang lugar ‘yon nang magpunta kami ni CEB (Cinema Evaluation Board) Chairperson Christine Dayrit last Friday.

Kung hindi nga lang kailangan talagang mag-attend ako sa wedding reception ng PTV-4 newscaster Ice Martinez, hindi pa sana kami aalis.

Last Friday kasi ay tumugtog doon ang Side A na favorite band ko.

Pero sabi naman ng owner na si Aida Posadas (kilala siya bilang Ballroom Queen), sa Friday naman ay nandoroon uli ang Side A.

So kung like me ay fave band n’yo rin ang Side A, kita-kita tayo sa 19 East Bar & Restaurant every Friday!

Pops aalis na naman

One week na sa bansa si Pops Fernandez ngayong araw na ito.

Dahil more than a month sa Amerika si Pops para sa Two-gether Again concert tour nila ng ex-husband na si Martin Nievera, marami raw hinahabol na mga dapat gawin si Pops.

“We’re leaving again ng December para sa second leg ng concert tour namin,” sabi ni Pops.

Sobrang touched sina Pops at Martin dahil accepted pa rin ng fans ang tandem nila.

Lovi balik-trabaho na

Mamaya ang start ng Yaya CEO special 2nd anniversary episode ng Tadhana ng GMA-7, 3:15PM.

Si Lovi Poe ang bida sa nasabing episode na inspi­ring story ng isang former Pinay overseas worker na ngayon ay CEO na ng sarili niyang company.

Work mode na uli si Lovi pagkatapos niyang magbakasyon sa Los Angeles, California kung saan nakasama niya ang rumored-boyfriend na Hollywood producer na si Montgo­mery Blencowe (na isang British).

Two-part ang Yaya CEO episode ni Lovi at next Saturday mapapanood ang part two no’n.

ERIK SANTOS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with