^

Pang Movies

Kris pinasasali na lang sa KapareWho para magka-dyowa

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Kris pinasasali na lang sa KapareWho para magka-dyowa
Kris Aquino

Kaloka ang ibang netizens na nag-suggest na sumali na lang si Kris Aquino sa KapareWho, ang segment ng It’s Showtime para sa mga babae na naghahanap ng mga bagong kaibigan na mhin.

Mga babae na kaedad ni Kris ang mga contestant sa KapareWho kaya ang sumali siya sa segment ng noontime show ng ABS-CBN ang payo ng mga nagpapanggap na nagmamalasakit sa kanya.

Nagkaroon ng idea ang netizens na pasalihin sa KapareWho si Kris dahil sa Instagram post nito noong Miyerkules tungkol sa paghahanap niya ng bagong friends at criteria para sa kanyang bagong personal Facebook account.

“Fyi, I now have a personal FB account, BUT I only have 8 friends – so far... anybody there na gustong i-friend ako privately?

“If you’re male, please be between 41 to 55, single (pwedeng widowed, divorced, legally separated, or annulled), and if you’re a DOCTOR (especially a rheumatoid, immunology, allergy specialist, neurologist, anesthesiologist, pain management specialist, or cardiologist) promise ACCEPT agad ang friend request.
“My 2 sons said okay w/ them ang pilot who has an international route- hehehe.”

EA hindi nauubusan ng trabaho

Hindi nauubusan ng projects ang Kapuso actor na si Edgar Allan Guzman! Matapos mapanood sa Dragon Lady, starring si Edgar sa coming soon primetime show ng GMA 7, ang One of the Baes.

Gagampanan ni Edgar ang role ni Charles, ang nakatatanda na kapatid ni Grant (Ken Chan).

Kontrabida si Edgar sa One of the Baes at unang beses na makakatrabaho niya si Ken sa teleserye na mapapanood simula sa September 30, 2019.

Isabelle mas sinuwerte kesa kay Jiro

Nagpapasalamat si Isabelle de Leon sa lahat ng mga sumuporta at tumulong sa kanya nang sumali siya sa Miss World Philippines 2019.

Win ng beauty title ang former child actress dahil siya ang nag-uwi ng Miss Multinational Philippines 2019 crown.

In fairness, walang nagprotesta sa panalo ni Isabelle dahil pinupuri ng lahat ang kanyang intelligent answer sa Q& A ng Miss World Philippines 2019.

Marami rin ang nagulat dahil seksing-seksi siya sa swimsuit competition at makinis na makinis ang balat niya.

Nakilala si Isabelle bilang Duday, ang pangalan niya sa sitcom na Daddy Di Do Du na pinagbibidahan noon ni Bossing Vic Sotto.

Pero napansin nang husto si Isabelle sa award-winning movie ni Maryo J. delos Reyes, ang Magnifico ng Violet Films na ipinalabas sa mga sinehan noong January 9, 2003.

Nasubaybayan ng lahat ang paglaki at pagdadalaga ni Isabelle kaya happy sila nang manalo siya ng beauty title sa beauty pageant na kanyang sinalihan noong nakaraang linggo.

Mabuti pa si Isabelle, maganda ang tinatahak  ng career, hindi kagaya ng kanyang Magnifico co-star na si Jiro Manio na nagkaroon ng bisyo at missing in action na ngayon sa showbiz.

vuukle comment

KRIS AQUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with