Jessy Mendiola
Jessy nag-promise na lalaban sa ball next year
SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - September 16, 2019 - 12:00am

Na-miss ni Jessy Mendiola at Luis Manzano ang ABS-CBN Ball 2019 last Saturday night dahil may pa-piging sila para kay Edu Manzano who celebrated his 64th birthday.

Tila ang magkasintahan ang mismong nag-organize ng dinner party na ipinost pa ni Luis sa kanyang Instagram Story.

Caption ni Luis sa short video ng celebration kung saan ay makikitang kinakantahan nila si Edu, “my Ball this evening! Love you daddyo!”

Taun-taon ay isa sa head-turners ng ball si Jessy but she doesn’t mind sacrificing the event this year dahil sa kaarawan ni Edu.

“We’re very thankful na every year naman, as always, lagi kaming invited. For now, we’ll rest it out muna and celebrate ‘yung birthday ni Tito Edu,” pahayag ni Jessy in a recent interview.

Sa kanyang IG story, nag-promise si Jessy na lalaban na siya next year sa ABS-CBN Ball.

Thia handang maging leading lady ni Alden

Ang baguhang Kapuso actress and beauty queen Thia Thomalia ang isa sa love interests ni Alden Richards sa bagong primetime drama ng aktor na The Gift.

When asked kung ready na ba siyang maging leading lady ng isang Alden Richards, ani Thia, “I can say ready naman for whatever’s coming my way. I’m open and I’m wholeheartedly open for all the challenges and advices na ibibigay sa akin.”

Ano ang naramdaman niya nang sinabing siya ang love interest ni Alden sa The Gift?

“In all honesty kasi, The Gift is a gift of my life coz recently, my brother passed away, 4 months ago and I had difficulties in adjusting and pulling myself out of the darkness,” pagre-reveal ni Thia.

“So, when this project came my way, I told my handlers, ‘okay, I’m gonna do the screen test, I’m gonna try but let’s not expect anything in return kasi I don’t want any hardfelt feelings right now. I don’t think I am ready to handle those emotions.’

 “And it reminded me that I am here, alive, because my brother wasn’t able to. And this is because of him. And I’m gonna be a better person every single day because of him,” pahayag pa ni Thia.

Ngayong gabi (Sept. 16) na magsisimula ang The Gift sa GMA Telebabad.

Andrea mala-prinsesa sa gown

Speaking of ABS-CBN Ball last Saturday held at the Shangri-La The Fort, natuwa naman kami for Andrea Brillantes na first time na makadalo sa nasabing taunang event.

Sobrang ganda ni Andrea sa kanyang mala-prinsesang peach gown made by Michal Leyva at isa rin siya sa talagang pinuri-puri that night.

Sa kanyang Instagram account ay ipinahayag ni Andrea ang kasiyahan sa pagdalo sa naturang ball.

“Nakakatuwa pong isipin na dati sinusubayba­yan ko lang po ang yearly Ball ng Star Magic/ABS CBN, pero ngayon kasama na po ako sa magical night na ito!” ang caption ng young actress.

Pagkatapos nito ay isa-isang pinasalamatan ni Andrea ang kanyang glam team.

Ang co-star ni Andrea sa Kadenang Ginto at kasamahan sa Gold Squad na si Seth Fedelin ang ka-date ng young actress sa ball. Matatandaang nag-effort talaga ang young actor kamakailan para mag-propose sa kanya to be his date sa event.

JESSY MENDIOLA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with