Bianca nag-emote sa pinagdaanan nila ni Miguel
SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - September 8, 2019 - 12:00am

Masaya ang mga sumubaybay sa Ang Pagtatapos episode ng epic-drama na Sahaya dahil happy ending ito kahit ang video message nila ay ang pagwawakas na ‘di mo aakalain at ang nakakaiyak na ending kahit nga namatay ang head nilang si Panlima Allari (Pen Medina), isinalin naman niya ang pamamahala sa kanilang isla kay Ahmad (Miguel Tanfelix) at sila ni Sahaya (Bianca Umali) ang magkatulong na mag-aalaga sa kanilang tribu. Ikakasal din sina Sahaya at Ahmad pero kapag naging ganap nang doctor si Sahaya.

Si Bianca nag-post ng pasasalamat niya kay Miguel: “Miguel, sa aking working partner ng maraming taon na (HUWAW!!!), congratulations to us! Hindi mapagkakaila ang haba ng ating napagsamahan. Sabay na tayo halos sa lahat ng bagay, mula noon hanggang ngayon. Marami tayong emosyon na sabay nating pinagdaanan, mga paghihirap na tayo ang nagtutulungan, mga alaala na hindi malilimutan. Isa ka sa mga taong pinahahalagahan ko, hindi ko na ito pahahabain pa, alam mo na yan. Apir!!!”

Ang Sahaya ang pang-eleven na project nang pinagtambalan nina Bianca at Miguel, simula pa lamang noong mga child stars pa sila sa GMA Network.

Aicelle at Mark nahihirapan sa guest list ng kasal dahil sa dami ng kaibigan

Nag-share na si international actress-singer, Aicelle Santos ng ilang bagay tungkol sa nalalapit na pagpapakasal nila ng kanyang fiancé; journalist, sports commentator, TV and events host, Mark Zambrano.

Bago matapos ang 2019, nakatakda na silang ikasal, pero wala pang ibinigay na exact date si Aicelle.

“Ang wedding po namin ay isi-share naman namin sa lahat, pero iyong main ceremony ay magiging private lamang na magaganap outside Metro Manila. It will be a Christian wedding with our families,” pauna na ni Aicelle. “Earthly tones ang color motif namin at tutulungan ako ng aming wedding planner.”

Medyo nahihirapan pa sina Aicelle at Mark na buuin ang kanilang guest list. Hindi kasi puwedeng short lamang ang guest list sa dami raw ng mga kaibigan nila. Wala pa silang naiisip na wedding song at pag-iisipan pa rin ni Aicelle kung siya pa rin ang kakanta sa kanilang wedding day.

Babalik pa ba si Aicelle sa West End  More than a year siyang nag-stay doon para sa Miss Saigon UK Tour. “Nag-audition po ako noon for Hamilton pero pinag-iisipan ko pa kung sakaling tanggapin ako, kasi, hindi naman puwedeng laging si Mark ang mag-adjust kung saan kami mag-stay,” dagdag ni Aicelle. “Sa ngayon, pinag-iisipan namin kung dito kami magsi-settle down sa Pilipinas or somewhere in New Zealand where there are cows and grass and sheep.  Anything can happen as long as we’re together.”

Bago nga ang wedding ceremony, tatapusin muna ni Aicelle ang mga commitments niya. Muli siyang magpi-perform sa Himala: Isang Musikal, na gagampanan niya ang role ni Elsa sa pelikulang Himala na ginampanan ni Superstar Nora Aunor.

Ang pagtatanghal ay sa Power Mac Center Spotlight, Circuit, Makati City. 

Ang unang gabi ay sa Saturday, September 28, 8PM  at sa October 19, 3PM at 8PM. For your tickets, contact 0966 9925765 or sa 0998 8566237.

BIANCA UMALI
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with