^

Pang Movies

KZ mas sanay na maging boyish

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa
KZ mas sanay na maging boyish
KZ Tandingan

Parang may pinagdadaanan ata ngayon ang Asia’s Soul Supreme na si KZ Tandingan dahil sa inilabas nitong kanta na Nag-iisa na Naman. Pero mukhang sa kanta lamang ito, dahil matibay pa rin ang pagsasama nila ng nobyong singer din na si TJ Monterde.

Ang akala ng iba ay naghiwalay na ang dalawa, dahil hindi na nagpo-post si KZ ng pictures nila, ganundin si TJ, pero ang totoo niyan, sweet na sweet pa rin sila sa isa’t isa at sabay pa ring gumagawa ng mga magagandang kanta.

Marahil ay gusto lamang nilang gawing pribado ang kanilang relasyon.

Samantala, tuwang-tuwa naman ang fans ni KZ dahil sa gagawin nitong world tour, ang Supreme Concert na gaganapin sa iba’t ibang parte ng U.S. magsisimula ito sa September 7, na susundan ng September 13, 14, 22, 27, 28 at 29.

Sobrang thankful si KZ sa blessing niyang ito kaya naman hindi niya raw bibiguin ang mga manonood. Na-eexcite raw siya na kinakabahan dahil first time lamang daw niya itong gagawin sa kanyang buong career.

Ang isa pang nakapagpagulat sa kanyang mga tagahanga ay nang mag-cover siya sa Mega Magazine. Babaeng-babae kasi siya rito, hindi katulad ng mga suot at asta niya sa tuwing siya ay nagpe-perform.

Inamin ni KZ na ilang taon daw bago siya muling nagpaka-lady like dahil nasanay ang soul supreme sa kanyang boyish looks.

vuukle comment

KZ TANDINGAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with