^

Pang Movies

Baron hindi nabantayan ng GF na psychologist?!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Baron hindi nabantayan ng GF na psychologist?!
Baron Geisler

Sayang naman kung totoong biyaheng rehab na naman diumano si Baron Geisler.

Ang narinig kong kuwento, nalungkot daw ang pamilya nito dahil ang buong akala raw ng mga ito ay hindi na babalik ang actor sa kanyang diumano’y pag-inom ng alak dahil sa psycho­logist nitong papakasalan sana na si Jamie Marie Evangelista.

Last April nang kumpirmahin ni Baron sa mga lumabas na interview na inaayos na nila ang kanilang wedding date.

Sinabi pa ni Baron sa nasabing interview na inaalagaan siya ng girlfriend na nakilala nung nasa rehab siya.

Ano nga kayang nangyari at bumalik siya sa dating gawi?

Narinig ko pang kuwento na diumano’y nagpaalam na raw si Baron sa Ang Probinsyano at pinayagan naman daw ito na pag kailangan siya sa taping, lalabas diumano ito ng facility.

Pero ang tanong ng may alam ng kuwento, payagan naman kaya siyang lumabas habang nagpapagaling ito para mag-taping kasama si Coco Martin?

Nauna nang nag-post ng mga kung anu-ano ang actor sa kanyang Facebook account na ewan kung fake account niya.

Meron pa siyang post na : “Mamamatay lang ako pag patay na si Cardo.” 

Owww, malamang fake account niya ito.

Pero sana nga ay maging maayos na ang buhay ng actor na kilala ang kahusayan sa pag-arte.
Sayang ang chance na binigay sa kanya ni Coco.

Ang bilis ng oras, baka paglabas niya ng facility, too late na.

Wait tuloy pa nga kaya ang kasal niya?

vuukle comment

BARON GEISLER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with