Morissette Amon
Tatay ni Morissette nahimasmasan na!
RATED A - Aster Amoyo (Pang-masa) - August 29, 2019 - 12:00am

Na-realize marahil ng ama ng singer na si Morissette Amon na si Amay Amon na kontrabida ang kanyang labas nang banatan nito sa kanyang sariling social media account ang anak at nobyo nitong si Dave Lamar kung saan pa lumabas na sinaktan umano ni Amay ang anak kaya ito naglayas sa kanila bagay na pinabulaanan naman ng ama ni Morissette.

Mahigit anim na buwan na umano magmula nang umalis si Morissette sa kanyang pamilya dahil umano sa sama ng loob ng singer sa kanyang ama.

Hindi raw pabor si Amay sa nobyo ng kanyang anak na si Dave na isa ring singer at naging contestant din sa unang season ng reality singing competition na The Voice Philippines kung saan din nagmula si Morissette. Si Amay din umano ang nagkalat na nagli-live-in na ang kanyang anak at boyfriend na pinabulaanan naman ni Morissette.

Hindi malinaw kung mag-isa nang namumuhay ngayon si Morissette o nakikitira pa rin ito sa bahay ng isa sa kanyang dalawang manager na si Audie Gemora ng Stages.

Since 23 na si Morissette, nasa tamang edad na rin naman ito para mag-desisyon para sa kanyang sarili pero marami pa rin ang umaasa na sana’y magkasundo sila ng kanyang pamilya.

Gabbi hindi nasayang ang training

Hindi nabalewala ang early training ng Kapuso young star na si Gabbi Garcia sa paghawak ng baril at iba’t ibang fight scenes in preparation sana para sa isa niyang action-drama TV series na hindi na natuloy dahil sa aksidenteng nangyari na naging sanhi ng pagpanaw ni Eddie Garcia, pero ngayon ay action-drama rin ang tema ng kanyang bagong serye sa Kapuso Network, ito ang Beautiful Justice na pinamamahalaan ni Mark Reyes kaya naman sulit ang pagod ni Gabbi.

Makakatapat ng Beautiful Justice ang top-rating and longest-running primetime action-drama series na FPJ’s Ang Probinsyano ni Coco Martin na mag-aapat na taon na ngayong September.

Michael walong taon na sa bagong asawa

Walong taon na ang relasyon ni Michael de Mesa sa kanyang second and present wife na si Julie Reyes, dating dancer-choreographer ng dance group na Hot Legs. Ang dalawa ay nagpakasal nung 2011, four years matapos ang annulment ng kasal ni Michael sa kanyang unang misis, ang actress-director na si Gina Alajar na nakasama niya sa loob ng 23 taon.  Sina Gina at Michael ay ikinasal nung 1978 at nagkahiwalay nung 2001 pero ang kanilang annulment ay dumating lamang in 2006.

Speaking of Michael, siya ang pangunahing bida ng pelikulang Marineros: Men in the Middle of the Sea na nakatakdang ipalabas sa mga sinehan simula sa September 20, isang araw pagkatapos ng ikatlong Pista ng Pelikulang Pilipino 3 (PPP) from September 13 to 19, 2019.

Liza at Enrique naghahanda na sa balikan

Matapos mapanood sa hit movie na Alone/Together ng magka-loveteam at magkasintahang Liza Soberano at Enrique Gil last February 2019 na tumabo sa takilya ng P380-M, malapit na ring mapanood ang dalawa sa kanilang bagong primetime TV series bilang follow-up sa kanilang Bagani nung isang taon.

Ang ginagawang bagong TV series nina Liza at Enrique o LizQuen ay pang-apat na nilang serye na kanilang sinimulan sa Forevermore in 2014 to 2015 na sinundan ng Dolce Amore in 2016 at ang Bagani nung 2018.

Bukod sa bagong teleserye, may gagawin din ang magkasintahan na bagong movie.

Personal…

Bon voyage sa mag-asawang Dr. Cesar at Chato Sugay-Jimenez na lumipad na pabalik ng West Covina, California, USA kung saan sila naka-base. Ang couple ay nasa Pilipinas for a two-week vacation para asikasuhin ang ilang business matters at ang kanilang panibagong medical mission na mangyayari in March 2020 sa Palawan.

MORISSETTE AMON
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with