Judy Ann Santos
Sumabak uli sa Indie pagiging box office star ni Juday, malapit nang mabura?!
ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pang-masa) - August 26, 2019 - 12:00am

May isa na namang indie na sinabakan si Judy Ann Santos, na siguro nga ay nakapaghatid sa kanya ng artistic satisfaction, at siguro dahil naiinip na rin naman siya sa pagdating ng isang main stream project, pero may mga kritikong natatakot na baka siya ay maging identified na rin sa mga ganoong tipo ng pelikula at makalimutan na ang mga box-office hits na kanyang nagawa noon.

Iyong career kasi ni Juday noong simula, talagang ang hinabol ay mga pelikulang kikita. Star siya ng commercial films noong araw at hindi maikakaila na noon ay sunud-sunod ang kanyang mga pelikula. Kumikita eh, kaya nag-aagawan ang producers. Kagaya rin iyan ni Kathryn Bernardo sa ngayon. Palagay ba ninyo papayagan nilang gumawa ng pelikulang indie si Kathryn?

Pero iyon nga eh, nauso ang mga low budget films, at sinubukan din iyon ni Juday. Gusto rin kasi niya na maging producer siya at hindi artista lang. May nagsasabing maganda raw ang nagawa niyang pelikula, na aaminin naming hindi namin napanood noon, pero sa kabila ng kanyang popularidad, ang indie film na iyon ay naghilahod sa takilya. Kaya nga lumabas ang paniniwala na iyan palang mga indie, talagang hindi kikita kahit na makakuha pa sila ng mga sikat na artista.

Mula noon, tumamlay din ang career ni Juday. Mabuti nga at marami pa siyang endorsements, kung hindi eh ano pa?

Ngayon ang sinasabi, isang indie film na naman daw, na actually matagal na niyang ginawa at natapos, ang ipalalabas. Sa panahong ito na ang usapan ay daang milyon na ang kinikita ng mga pelikula sa loob ng isang linggo, at kung hindi aabot sa ganoon ang kikitain ng kanyang pelikula, baka mabura na sa isipan ng mga tao na siya ay isang box-office star din, at pinatunayan na niya iyan noon pa.

Mark hinihintay nang magseryoso

Palagay namin dapat na ngang maging seryoso talaga si Mark Herras sa kanyang lovelife this time. Ilan na ba iyang na­ging girlfriend niya?

May panahong tahimik na tahimik siya sa kanyang lovelife, nang bigla na lang lumabas na may nabuntis siya at nagkaroon ng anak na babae. Simula noon ang mga sumunod na pangyayari sa kanyang love life ay hayag na hayag na, pero mukhang wala ngang nagtatagal. Walang natutuloy.

Siguro ang feeling ni Mark, bata pa siya o hindi pa siya handa. Pero ngayon naman nagkaka-edad na rin siya at sa palagay namin dapat na niyang seryosohin ang kanyang relasyon at lumagay na sa tahimik iyon ay kung may plano siyang mag-asawa.

BB never namroblema sa CR 

Pinag-uusapan nila kahapon si BB Gandanghari ang kauna-unahang artistang transgender sa Pilipinas. Umabot na si BB sa paghingi sa korte sa US na kilalanin siyang isang tunay na babae. Pero ang sabi nga nila, hindi kailanman naging problema ni BB ang pagpasok kung saang CR ang nararapat.

Hindi naging issue kay BB ang CR. Sikat siya, pero hindi siya nagbalak na tumakbo para sa isang government position para isulong ang cause ng LGBT, bagama’t mas madali niyang magagawa iyon.

Kaya minsan lumalakas ang aming kutob na iyang mga bading na masyadong nag-iingay dahil sa simpleng problema lamang kagaya ng CR ay may ibang hidden agenda. Bakit hindi pa nila ilabas kung ano ang plano nila talaga?

JUDY ANN SANTOS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with