Marian may pakiusap sa mga nanghuhusga sa ‘padede mom’
SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - August 25, 2019 - 12:00am

Nakiusap si Marian Rivera sa mga nang­huhusga sa kanya bilang isang #pade­demom, ang breastfeeding advocacy na sinimulan niya nang isilang niya ang panganay nila ni Dingdong Dantes na si Maria Letizia o Zia, na ngayon ay more than three years old na.

Sa kanyang Instagram idinaan ni Marian ang kanyang pakiusap: “Nais kong ipakita ang suporta ko sa breastfeeding advocacy magmula noon hanggang ngayon. Bagamat nakapagsimula ako ng solids kay Ziggy sa mga nakaraang araw base sa payo ng aming paediatrician, wala akong plano na ihinto ang aking pagiging padedemom sa aking bunso. Batid ko ang kahalagahan ng eksklusibong pagpapasuso mula 0-6 months. Isang pakiusap lamang po, nawa’y sa adbokasiyang ito ay hindi tayo makasakit ng damdamin ng mga kapwa natin ina, nawa’y hindi gamitin ang pangalan ko sa mga kumento at mensahe na humuhusga sa pagbibigay ko ng masustansiyang gulay sa aking anak. Kinikilala ko po ang rekomendasyon ng WHO patungkol sa complementary feeding. Eto po ang sundin nyo. Kung meron man akong ginawa na hindi base dito, huwag naman sana itong maging batayan para ako ay mahusgahan. Lahat po tayong ina ay gusto lamang ang “best” sa kanyang anak. Hanggat kaya ko ay lalaban ako bilang #padedemom #notomomshaming.”

Sinuportahan naman ng mga nanay na netizens si Marian sa adbokasiya niyang ito na sinang-ayunan nina Aiko Melendez: “Epitome of true beauty,” at Aubrey Carampel: You’re doing a good job, Mommy Yan! Tama ka, all we want is what’s best for our kids. I think Ziggy is ready to eat solid foods. And by the way, napakaganda ng photo na ito.

Starstruck graduates magiging guide ng Final 7

May reunion ang dating graduates ng original artista search, ang Starstruck today. First time na gagawin ito ng programa, bilang paghahanda sa nalalapit na pagpili ng Council at mga televiewers ng Final 4.

Ang magbabalik na graduates ay sina Mark Herras, Yasmien Kurdi, Katrina Halili, Kris Bernal, Chariz Solomon, LJ Reyes at Miguel Tanfelix. 

Si Miguel ang kauna-unahang nanalong Starstruck Kids na hindi na nasundan.

Ang graduates na ito ang siyang magga-guide sa Final 7 para ihanda sila sa nalalapit na Final Judgment next month. 

Si Carmina Villarroel ang makakasama nila ngayon sa aktingan.

MARIAN RIVERA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with