^

Pang Movies

Kim nag-disguise, sumakay sa motor para makaabot sa volleyball practice

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Kim nag-disguise, sumakay sa motor para makaabot sa volleyball practice
Kim Chiu

Para lang hindi ma-late sa kanyang volleyball practice bilang paghahanda sa Star Magic All Star Volleyball ay sumakay si Kim Chiu sa motorsiklo.

Ibinahagi niya ang mga kaganapan sa kanyang Instagram Story na nagsimula sa pagkaka-stuck niya sa traffic. Before the practice ay may shoot pa siyang pupuntahan at dito pa lang ay na-late na siya.

Nakarating naman siya sa shoot pero pagkatapos nito ay nag-decide na siyang sumakay sa motor papunta sa volleyball practice. Makikita sa sumunod na post niya ay tila naka-disguise na siya dahil naka-shades na siya at naka-face mask.

“The things you do just to be able to make it to the volleyball practice after being late at the shoot!” caption ni Kim.

Well, in fairness, nakakabilib din ang professionalism ni Kim, huh!

Arnell kontra na ginawang national issue ang CR ng third sex

Kung ang ibang gays ay pinoproblema ang paggamit ng banyo ng mga lalaki or babae, para kay Arnell Ignacio ay hindi naman daw niya ito masyadong ikinakabahala.

Although aminado naman siyang isa siyang gay, hindi naman daw siya aabot sa puntong magiging transwoman siya. Pero kung sa diksriminasyon ang pag-uusapan, he’s had enough.

“Sa edad ko, ako ‘yung dumaan sa totoong discrimination, totoong panlalait at bullying. Pero ang tagal na nating magkakilala, hindi ba? Mukha bang naapektuhan ako doon?” sabi ni Arnelli nang makausap namin sa presscon niya for his new show in IBC-13, ang Arnelli in The Haus.

“’Yung sa CR, ang pananaw ko do’n, bakit ba siya kailangang maging isang malaking issue na kailangan nating kumbinsihin ‘yung pananaw ng bawat isang babae na kailangang gawing kumpor­table ka na nandiyan ako sa loob ng CR. Di ba?”

Pero kung talaga raw sigurong gustong lutasin, ang local government or ang mga city mayor ay pagsabihan ang mga mall na magtayo na lang ng dalawang extra CR.

“Magkano lang ‘yun? Gawing apat (ang CR), kahit gawin pa nilang isang floor ang CR, hindi naman masasaktan (ang mga mall), therefore ending all the hulabaloo of the discussion,” he said.

Pero ‘yung pilitin pa raw na palitan pa ang pananaw ng mga tao, eh, it will take ages pa.

Ang pagiging hindi kumportable raw ng mga babae or lalaki na may kasamang transman or transwoman sa CR ay hindi diskrimasyon.

“Hindi siya tungkol sa ganu’n, eh. Ang ini-invade mo na, ‘yung privacy na matagal nang ganu’n ang nangyayari.”

Hindi raw ito dapat maging national discussion pa dahil madali naman daw itong lutasin nang walang babaguhing pananaw.

Natawa kami nang sabihin ni Arnelli na ang mas ipinag-aalala niya ay kung nakaihi na ba si Gretchen Diez, ang transwoman na naging controversial kamakailan dahil pinagbawalang umihi sa CR ng mga babae at dinala sa presinto nang nakaposas.

“Nakaihi na ba si Gretchen? Eh ang tagal na niyang gustong umihi! Hanggang ngayon, nagdidiskusyon pa tayo!” sabi ni Arnelli.

Hahaha!

Samantala, tungkol naman sa bagong show ni Arnelli, ang Arnelli in the Haus ay isang light-hearted magazine show na layuning maging tulay sa ating mga government services sa mga masa sa pamamagitan ng human interest feature stories. Ito raw ay para mas maintindihan ng mga tao ang side ng gobyerno kung halimbawang may pagkakataon na natatagalan sa isang proseso. Ipapakita niya ang mga behind the scenes na nangyayari in a light manner.

Magsisimula na ngayong Thursday, Aug. 22 ang Arnelli in The Haus sa primetime slot ng IBC-13, 8pm at mapapanood weekly sa nasabing araw at timeslot.

vuukle comment

KIM CHIU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with