^

Pang Movies

Janine muntik huminto sa pagkanta dahil sa mga panlalait!

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa
Janine muntik huminto sa pagkanta dahil sa mga panlalait!
Janine Berdin

Hindi magpapatalo si Janine Berdin sa mga katapat niya sa Himig Handog 2019, pinaiyak niya na namang muli ang fans sa ganda ng kantang in-interpret niya, ang Sa’yong Mundo, composed by Noah Zuniga.

Bagama’t ngayon lamang nakilala si Janine mula nang manalo sa Tawag Ng Tanghalan sa It’s Showtime, hindi masasabing siya ay baguhan pa lang. Matagal nang gumagawa ng mga kanta ang nasabing singer na dati na rin palang child actress.

Naitampok ang buhay ni Janine sa Maalaala Mo Kaya na kung saan ipinakita ang kanyang struggles bago marating ang kanyang tinatamasa ngayon.
Dumaan sa napakaraming pagsubok ang buhay niya.

Muntik na rin siyang huminto sa kanyang passion dahil sa mga negatibong naririnig na tulad na lang ng panlalait at pangmamaliit, pero hindi siya rito nagpadaig. Ilang beses siyang sumali sa TNT hanggang sa siya na nga ang manalo.

Sa ngayon, regular na napapanood si Janine sa It’s Showtime at sa ASAP Natin ‘To na siyang patuloy na nagbibigay sa kanya ng oportunidad na mai-showcase ang kanyang galing.

vuukle comment

JANINE BERDIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with