^

Pang Movies

Regine aminadong nagpa-‘Salamat, Dok’

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Regine aminadong nagpa-�Salamat, Dok�
Regine Velasquez-Alcasid

Alam ko, Ateng Salve, limited lang pala ang platinum tickets sa Iconic, ang two-night concert nina Sharon Cuneta at Regine Velasquez-Alcasid, kaya hindi na pala ibinenta ‘yon sa public.

Bale may mga binenta man, sa mga kakilala na lang, eh ang daming gustong bumili ng platinum tickets, huh!

Anyway, mukhang parehong pinaghahandaan na nina Sharon at Regine ang concert na ‘yon.

Si Regine, pagkatapos ng ASAP Natin ‘To in Bay Area at ng bakasyon sa Amerika, panay na ang pa-beauty.

Kahapon ay nasa Belo Medical Clinic siya at pinost na nagpa-thermage.

“So just came from @belobeauty Dra Guada did Thergame on my face and the result is amazing!!!!!! My eyes looked rounder and more opened (normally it’s drooping na eh) and look at my kilay nakaangat sya and my jaw!!! It’s more defined now. Even the quality of my skin got so much better and tighter. Thank you to the best Dr in the world @victoria_belo thank you Dra Guada and the @belobeauty #thermageislife,” caption niya.

Isa nga ang misis ni Ogie Alcasid sa mga celebrity na aminadong gumagamit ng beauty products and machines para mapanatili ang kanilang kagandahan!

Pero may iba namang celebrities na lihim pa rin ang pagiging  Salamat po, Doktor  at hindi maaming may ipinagawa sa kanilang mukha’t katawan kahit obvious naman, ‘noh?!

Gwen, 19 hours nag-labor bago na-CS

As I write this, ka-text ko si Gwen Zamora na nanganak na noong August 15 sa baby nila ni David Semerad, si Baby Cooper.

Actually, nagte-text ako sa kanya ilang araw na, pero bandang 3:00PM lang siya nakapag-text sa akin kahapon.

Medyo hirap pa raw kasi siya dahil bigla nga na caesarean ang panganganak niya.

Heto ang text messages sa akin ni Gwen kahapon.“I gave birth na. We’re home na, three days na. Nakakatayo na, pero hirap pa rin.

“Ok naman, happy we’re finally home, it was a hard delivery to be honest, 19 hours kami in labor, ‘tapos ending emergency c-section cos he had his chord around the neck, ‘di siya makababa.

“But were glad all went well naman, he his now out good and healthy. Big boy siya, 8lbs 54cm long.”

So, sino na mga nakadalaw sa kanya? Mga nakakita na kay Baby Cooper?

“Family lang. Couldn’t really welcome much because of my condition,” sabi niya.

Siyempre, sobrang happy ang fiancé ni Gwen na si David sa pag-aalaga sa kanilang baby.

May mga ibang mga tanong nga pala ako kay Gwen na hindi na niya nasagot dahil mukhang nakatulog na siya dahil ang hirap din ‘yung 19 hours na nag-labor siya, ‘tapos biglang caesarean din pala ang kailangan ni Baby Cooper, huh!

‘Yun na!

vuukle comment

REGINE VELASQUEZ-ALCASID

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with