Bold movies uso na naman!
Vir Gonzales (Pang-masa) - August 20, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Mukhang nakakaalarma at parang history repeat itself sa showbiz. Noong araw na may kahirapan ang buhay, namayagpag ang pelikulang bold. Kaliwa’t kanan ang pagpapaseksi noon.

May nakapansin na tila bumabalik ito dahil sa mga pelikula na ganito ang tema. Marahil daw ito ang may pinakamurang gastos. Nakarinig din kami ng komentong “it is the easiest way to stardom.”

Madali na kasi makilala ang mga artistang nagbi-bikini at ang mga aktor na nagpapakita ng kanilang mga puwet sa pelikula.

Naku, saan na ba papunta ang pelikulang Pilipino?!

Angel parang lalaki ang galaw sa action

Umiikot kay Jennylyn Mercado ang tema ng teleser­yeng Love You Two. Magaling na aktres si Jen, kayang-kaya niyang paikutin si Gabby Concepcion na patay na patay sa kanya sa said series. Hanggang ngayon ay hindi raw makapaniwala ang aktres na ang dating idol niya ay leading man na niya ngayon.

Samantala, mistulang isang tunay na lalaki kung umasta si Angel Locsin sa seryeng The General’s Daughter.

Maging si Paulo Avelino ay hindi niya inuurungan sa suntukan. Ayaw din namang patalbog nina JC de Vera at Ryza Cenon.

Mabuti naman at bago humarap sa altar si Angel ay may serye siyang ginawa.

Happy birthday…

Birthday greetings to August born celebrants na sina Amalia Fuentes, late FPJ, Sen. Lito Lapid ,Phillip Salvador,  Mother Of Philippine Movies Mother Lily Monteverde,  Delia Razon, Lyka Ugarte, Cory Quirino, PJ Abellana, Mel Tiangco, Mark Bautista, Mariel Rodriguez-Padilla, Jim Pebamco, Ms. Nora Calderon,  Roldan Castro,  Mell Navarro, Nelson Canlas, Jhong Hilario, Dranreb Belleza, RS Francisco  also to  Claris Garcia of Gloria Romero Restaurant sa Baliuag, Bulacan.

JENNYLYN MERCADO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with