Janella Salvador
Himig Handog 2019 may bagong pasisikatin
VEROFIED - Veronica Samio (Pang-masa) - August 19, 2019 - 12:00am

Walang pressure kina Daniel Padilla, Janella Salvador, Moira dela Torre, Alex Gonzaga at Janine Berdin ang maging magkakalaban sa Himig Handog 2019 na magaganap sa stage ng ASAP Natin ‘To sa October 13 dahil hindi naman ang ganda ng boses nila ang huhusgahan sa ginaganap na taunang paligsahan kundi ang mga kakantahin nila dahil isang composers competition ang HH. 

Mga baguhang pangalan sa paggawa ng kanta ang mga magpapagalingan bagaman at malaking factor din kung makakanta ng mahusay ang mga artistang kinuha para mag-interpret ng ilang song entry habang may mga composer na nagpasyang sila na rin ang kumanta ng composition nila at may ilang kumuha ng ibang kakanta ng composition nila na tulad nila ay mga hindi pa rin kilala sa music world.

Sina Daniel at Moira magko-collaborate sa composition ni Don Mortel Tanedo na Mabagal; Nung Tayo Pa nina Rex Torremoro/ Elmar Jann Bolano ang naibigay kay Janella Salvador; Alex Gonzaga, kakantahin ang Please Lang ni Michael Angelo Aplacador; Alaala, Alekzandra Nicole Qitalig (composer/ interpreter); Ikaw at Linggo, Eamarie Gelayo (composer/interpreter); Paano Ba? Richanne Charms Jacinto/ Vanya Castor; Isa Pang Ikaw, Joseph Ponce/ Justin Vasquez; Panandalian. Jerome Arcanghel/ Ceejay del Rosario, TJ Monterde; Sasabihin Ko LJ Manzano/Joan Da; Simula Sa Dulo, Therese Marie  Villarante, Davey Langit; Ingat, Ferdinand Aragon, I Belong to the Zoo; Sa ‘Yong Mundo, Noel Zuniga, Janine Berdin. Tatlo sa mga interpreters ay mula sa XFactor Australia, Idol Philippines at XFactor Philippines. Ang mga kilalang pangalan ay beterano na ng HH.

Kapuso may Celebrity Basketball

Kung mayro’ng All Star Games ang ABS CBN, meron ding Celebrity Basketball ang mga Kapuso artists na sina Mark Herras, Mike Tan, Rocco Nacino, Kristoffer Martin, Derrick Monasterio, Mikael Daez at Andre Paras.

Dadayo pa ang mga ipinagmamalaking aktor ng GMA ng Dubai, UAE, sa Shabab Al Ahi Club para sa nasabing event. Magsisilbing muse nila si Janine Gutierrez.

Coleen pwede pa rin sa daring

Hindi pa rin naman tumitigil si Coleen Garcia sa paggawa ng pelikula matapos silang ikasal ni Billy Crawford. Kahit medyo daring ang project ay pinapayagan naman siya ni Billy, tulad ng ginawa nila ni Xian Lim at Natalie Hart.

Ganun kasuporta sa kanya ang asawa niya. May pelikula itong ginawa kasama si Edgar Allan Guzman, isang romantic comedy na sinulat at idinirek ni Veronica Velasco.

Anne at Marco grabe ang ginawang love scenes!

Kung totoo man na tulad nina Kathryn Barnardo at Alden Richards ay may malakas na chemistry din na nakita kina Anne Curtis at Marco Gumabao sa movie nilang Just A Stranger pero, di ito tulad ng Hello, Love Goodbye kung saan mga simpleng halikan lamang ang ipinagawa kina Kathryn at Alden samantalang marami raw pipitlag na mga manonood sa kanilang mga upuan sa init ng mga lovescenes nina Marco at Anne sa unang pagtatambal nila.

JANELLA SALVADOR
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with