Kaya nag-break, Heaven hindi sineryoso ni Jimuel?!
Heaven Peralejo
Kaya nag-break, Heaven hindi sineryoso ni Jimuel?!
SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza (Pang-masa) - August 10, 2019 - 12:00am

Sumabay din sa hiwalayan nila Gerald Anderson-Bea Alonzo, Julia Barretto-Joshua Garcia at John Lloyd Cruz-Ellen Adarna ay itong sina Heaven Peralejo at Jimuel Pacquiao.

Dahil sa pag-akusa ng netizens na isa siyang gold digger kaya tinapos na ni Heaven ang relasyon nito sa panganay ni Manny Pacquiao na si Jimuel.

Ayon pa kay Heaven, wala raw katotohanan na panay daw ang paghingi niya ng mamahaling regalo kay Jimuel.

Sa katunayan, isang regalo pa lang daw ang natanggap niya mula kay Jimuel at ito ay isang wallet na binigay sa kanya noong birthday niya.

“Walang totoo doon kahit ano, ‘yung sa bags and everything. Ang binigay niya lang ata is a wallet and also it’s for my birthday. That’s it.

“Hindi ko naman siya tatay! I mean to get anything na mamahalin and I also have the money din for myself and I don’t need anyone’s money din naman to buy what I love,” diin pa ni Heaven.

Sa paglabas ni Heaven sa ABS-CBN morning talk show na Magandang Buhay, sinabi nito na hindi siya makakatagal sa isang relasyon kung saan hindi siya pinahahalagahan.

“Sabi po kasi ng mom ko... ‘Don’t ever let anyone make you feel that you are not enough because you are enough.’

“And when that happens po it’s time to let go.”

Ricky Martin natupad ang pangarap na magkaroon ng malaking pamilya

Pinakilala na ng Grammy-winning Latino singer Ricky Martin ang bagong miyembro ng kanyang pamilya, isang baby girl named Lucia Martin-Yosef.

Pinost ni Ricky sa kanyang Instagram ang picture ni Baby Lucia at nilagyan niya ito ng caption na: “La luz de mis ojos” na ang ibig sabihin ay “the light of my eyes”.

Sinilang si Baby Lucia via surrogate noong New Year’s Eve. Nag-share si Ricky at ang kanyang husband na si Jwan Yosef ng photo ng baby pero hindi nila pinakita ang mukha.

Masaya rin ang twin boys nila na sina Matteo and Valentino sa kanilang baby sister. Natupad din ang dream ni Ricky at Jwan na magkaroon ng malaking pamilya.

HEAVEN PERALEJO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with