^

Pang Movies

KathNiel patok na patok sa Cali

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
KathNiel patok na patok sa Cali
Kathryn Bernardo at Daniel Padilla

Ang bongga ng ASAP Natin ‘To show in Bay Area na ginanap sa SAP Center sa San Jose, California.

Puno ‘yon.

Kilig-kilig ang mga nanood sa KathNiel. Ang sweet daw nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa production number.

Request nga ng KathNiel fans na mag-show sila uli sa US na sinagot naman ni Lerma dela Cruz (US at Canada show promoter) ng yes, later this year daw ay may show uli sa Amerika ang mag-sweethearts.

Ang bongga!

Arnel Pineda iniintriga

Kung sa San Jose ay dinumog ang ASAP show (bale ipapalabas ang dalawang episodes nito sa ABS-CBN), sa Saban Theater naman sa Beverly Hills, California, dinumog din si Arnel Pineda.

Ilang friends ko ang nanood ng show na ‘yon ni Arnel at sinabing napakagaling talaga ng international Pinoy singer.

May nagsabi sa akin na hindi puno ang Saban Theater, pero ayon sa friends ko na nanood, puno raw.

So, may nang-iintriga kay Arnel?

A week ago naman, nag-show rin sa venue na ‘yon si Jed Madela at guest pa nga si Lani Misalucha.

Anak ni Gwen inuulan ng regalo

Malamang na this week or next week na manganak si Gwen Zamora sa panganay nila ng fiancé na si David Semerad.

Nakakatuwa na ngayon pa lang ay marami ng nagpapadala ng gift para kay Baby Copper.

Pati stroller ay meron na si Baby Copper.

Actually, marami talagang baby products brands ang mahilig magregalo sa mga celebrity na ang kapalit ay pagpo-post sa kanilang social media accounts.

May iba pa nga na nagbibigay ng baby shower party lalo na at sobrang sikat ng celebrity parents!

Aktres game sa harapan nila ng aktres na umagaw sa BF

Game pala ang aktres na ito kahit magkita sila ng isa pang aktres na naiintrigang dahilan ng hiwalayan nila ng ex niyang aktor.

A-attend nga raw si aktres sa isang pa-party ng beauty clinic na pinupuntahan kahit pa pumupunta rin doon ang aktres na nali-link sa kanyang ex.

Kahit mag-krus ang mga landas nila, walang pakialam si aktres!

“That’s my girl!” ‘Yan ang sey ng mga kampi kay aktres.

‘Yun na!

vuukle comment

DANIEL PADILLA

KATHRYN BERNARDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with