Angeline may pinatatamaan sa bagong kanta?!

Kusa ang pinakabagong single ngayon ng singer na si Angeline Quinto, ilang araw  pa lamang mula nang ito ay i-release ng ABS-CBN Star Music pero umani na agad ito ng ilang libong views sa YouTube channel.

Napa-aray ang mga listeners dahil tagos ang meaning ng song at galing nito.

May bagong hugot na kanta si Angge, this time ay tila pampagising sa mga tanga sa pag-ibig.

Mensahe ng kanta na mahalin muna ang sarili at huwag hayaang masaktan sa maling pag-ibig. Dapat na ang piliing pagmamahal ay iyong deserve mo.

Bongga rin ang pag-emote ni Angge na feel na feel ang kanta kaya naman wondering ang fans kung may pinatatamaan ba ito.

Proud ang kanyang fans dahil dagdag ito sa mga hugot songs na kinababaliwan ngayon ng millennials.

Hindi rin kataka-taka kung gawing theme song ito ng serye dahil nga sa magandang meaning ng kanta.

Samantala, nag-eenjoy ngayon si Angeline sa pagta-travel sa iba’t ibang lugar. Pinaka-recent niyang pinuntahan ay ang Israel na ayon sa singer ay isa sa mga bucketlist niya.

Show comments