_pang-masa
^

Pang Movies

Maine nag-Angkas para makaabot sa concert ng LANY!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Maine nag-Angkas para makaabot sa concert ng LANY!
Maine, Arjo

Iba rin si phenomenal star Maine Mendoza. Mahilig manood ng concert, local man o foreign artists, basta may chance siyang makapanood, hindi niya ito pinalalampas. Katulad na lamang ng two-night Malibu Nights MNL concert ng LANY, nakabili siya last night ng tickets for Wednesday evening, July 24, sa Mall of Asia.

Tweet niya ng Wednesday mor­ning:

“Nakipag-unahan ako bumili ng LANY tickets noon tapos may biglaang taping ngayon? Ang shaket shaket. Enjoy sa lahat ng pupunta tonight. I-hi nyo ako kay Paul Jason Klein.”

Ang biglaang taping na sinasabi ni Maine ay ang first anniversary presentation ng top rating sitcom nila ni Vic Sotto na Daddy’s Gurl. Pero sinuswerte pa rin si Maine, dahil maaga-agang natapos ang taping, kaya kahit alam niyang hindi na buo ang aabutan niya, wala siyang pakialam na sumakay sa angkas para mabilis makarating ng MOA. 

Tweet ni Maine: “Magti-taping pero hindi susuko! Di bale nang dugyot basta #LabanLANY!!!”

Muli siyang nag-tweet ng “Nairaos! Pakiramdam ko may hinabol akong jowa na paalis ng bansa.  Iba kayo @thisislANY! Hindi ko ito nagawa kay Chris Martin... baka magtampo. Anyway, you guys were amazing! Thanks for giving us a great show! Til the next! #LANYLiveInMNLDay2.”

Anyways, tiyak na aabangan bukas, July 27, ang 40th year celebration ng Eat Bulaga sa Amoranto Stadium in Quezon City, dahil for the first time, maglalaro ang mga lady Dabarkads sa Rush 4Win Slippery Stairs. 

Maglalaban-laban sina Luane Dy, Pia Guanio, Malaya, Ryzza Mae Dizon at Maine. Pero si Ciara Sotto ang papalit kay Pauleen Luna at si Toni Aquino, ang daughter ni Ruby Rodriguez, ang papalit sa kanya. 

Kayo, sino ang bet ninyong manalo? Goodluck!

Kyline makakalaban sina Maris at Moira sa Awit Awards

Hindi makapaniwala si Kapuso Breakout Star Kyline Alcantara nang malaman niyang nominated siya sa darating na 32nd Awit Awards. 

Nominated siya sa Music Video of the Year category para sa kanyang song na Fake Love mula sa kanyang self-titled album from GMA Records.

Honored daw siyang makasama sa nomination ang 4 artists na sina Maris Racal (Sugarol), JBK (Maibalik), Moira dela Torre (Tagpuan) at IV of Spades (Take That Man).

Labis-labis ang pasasalamat niya sa Awit Awards.

Napapanood si Kyline tuwing Saturday sa music tambayan ng GMA, ang Studio 7 after Magpakailanman at 10pm, sa Sunday PinaSaya on Sundays, 12Noon at bilang host ng Inside StarStruck 7 Mondays to Fridays at 6PM.

Miguel Kapuso pa rin

Fifteen years na palang Kapuso si Miguel Tanfelix at ginantimpalaan siya ng GMA Network sa pamamagitan ng renewal niya ng another exclusive contract last Tuesday, July 23.

“Masaya po ako and blessed na nandito pa rin ako for more years sa GMA,” sabi ni Miguel.

“Makakaasa po sila na more than a hundred percent effort at puso po ang ibibigay ko sa ahat ng blessings na ibinibigay nila sa akin.”

Maganda kay Miguel, napagsasabay niya ang work at studies niya dahil nasa third year na siya ng college. Gabi-gabi siyang napapanood sa Sahaya, after ng 24 Oras katambal si Bianca Umali.

MAINE MENDOZA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with