Karla Estrada
Karla pumapayat na sa pagboboksing!
YUN NA! - Jun Lalin (Pang-masa) - July 25, 2019 - 12:00am

Mahilig mag-boxing si Karla Estrada.

Madalas na mag-private boxing training ang nanay ni Daniel Padilla.

Kaya in fairness, mukhang pumapayat naman si Karla dahil sa pagba-boxing.

Pati ang kaibigang si Donita Rose ay mukhang natutong mag-boxing dahil kay Karla. Mukhang lumiliit na rin si Donita.

Samantala, nag-post si Karla sa kanyang social media account ng script ng isang bagong movie project.

Oo nga pala, sobrang thankful kay Karla ang fans ni Kathryn Bernardo na girlfriend ng kanyang anak dahil pino-promote niya ang Hello, Love, Goodbye movie with Alden Richards.

Very supportive si Karla sa mga project ni Kathryn kahit na hindi si Daniel ang kapareha ng dalaga.

Direk Rico close na sa nanay ni Alessandra

Nag-post ang nanay ni Alessandra de Rossi, si Mommy Nenita, ng “45 Life Lessons” sa kanyang Instagram account (@ermatsko).

Napansin ko na si Direk Rico Gutierrez ang unang nag-comment doon at tatlong beses pa, huh!

Nag-comment din ako na tatlong beses pang nag-comment ang bagong new “son-in-law” ni Mommy Nenita sa post niyang ‘yon at ni-like niya ang comment ko at sinabing mag-comment pa ako para maging tatlong beses din ang comment ko.

Biniro ko nang ganoon si Mommy Nenita dahil kalat ang tsikang karelasyon ngayon ni Alessandra si Direk Rico.

Aktres na produkto ng TV contest, nilayasan ang ginagawang teleserye

May isang aktres ang nagtanong sa akin kung totoo bang nag-resign sa isang bagong teleserye ang isang aktres na produkto ng isang TV contest?

Ang alam ng nagtanong sa akin, nakailang araw na ring nagti-taping sa project na ‘yon si aktres na nag-resign daw.

Kung true ‘yon, ano naman kaya ang dahilan?

Makapagtanung-tanong nga.

Bea mas maraming kumampi

Patuloy na bumubuhos ang sympathy ng marami kay Bea Alonzo sa sinasabing break-up nila ni Gerald Anderson.

Maraming mga taga-showbiz ang tila “kumakampi” kay Bea.

Well...

KARLA ESTRADA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with