^

Pang Movies

Bea napuno na kay Gerald?!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Bea napuno na kay Gerald?!
Bea Alonzo

Mga nagiging leading lady nilalandi nga ba?

Trending at talk of the town ngayon sina Julia Barretto, Gerald Anderson and Bea Alonzo matapos mag-post ang huli sa kanyang Instagram post ng malalamang mensahe last Sunday night.

Nag-post si Bea ng black photo at sa caption, aniya, “‘You can’t make the same mistake twice, the second time you make it, it’s not a mistake anymore, it’s a choice.’ ENOUGH.”

Bukod dito, may post din si Bea sa kanyang Instagram Story ng halos kaparehong mensahe.

“Something I learned about people. . .If they do it once, they’ll do it again,” ang post ni Bea sa IGS.

At dahil may kumakalat ding larawan nina Julia at Ge­rald na magkasama sa birthday party ni Rayver Cruz last Saturday night, napagtagpi-tagpi na ng netizens and fans na ito marahil ang dahilan ng post ni Bea.

Isang fan ni Bea na may handle name na @cabrera.kath ang nag-post ng larawan nina Julia at Gerald na kuha mula sa party ni Rayver at sa kanyang mahabang caption ay inaakusahan niyang may relasyon ang dalawa.

Hindi na ma-access ang nasabing account pero nakunan na rin naman ng ilang showbiz websites and netizens ng screenshot ang kanyang post.

“Para sa lahat ng ngsasabi na nagssinungaling ako and naninira lang. NOPE. I’m not lying. And ano mkkuha ko dun? There you go! Yan nlng ipakita ko.

“Hindi lang keme friends dahil bday ni rayver. Hello. They went on the same car together alone and iba gestures nila. Tinatago man halata padin OKAY. I dont like to assume or judge pero kawawa kase and sobrng manloloko.

“I already sent a message to bea. Clearly we don’t know all the details kung ano man nangyayare in their real personal life. Pero one thing is for sure. HE DOESN’T DESERVE BEA ALONZO!

“After everything ginawa nya. Minahal and hindi sya jinudge sa past nya sa gnwa nya sa mag bestfriend ( kimm and maja ). Minahal nya padin even nung ngkamovie sila ni Pia.

“Niloko nya pero pinatawad at mas lalong nya pdin minahal. She even organized a surprise birthday party for him. Nakakaloka.

“Ano lahat nlng ba ng leading lady nya lalandiiin nya or jojowain nya? Ganon ba yun? Sabi nga nila, Once a cheater always a cheater

“I adore and love bea so much. I hope masakit man o mahirap, sana hiwalayan nya na ng tuluyan si Gerald.

“With regards to Julia B. kung ano man reason nya selfcare selflove keme bestfriend sila ng ex nya bahala sya. I don’t care. Basta we are here for bea. We love her and she deserves better #beaalonzo #geraldanderson.

“Edit: she liked my photo and posted a confirmation ‘ENOUGH’” ang caption ng fan.

Sa ngayon ay matinding pangba-bash ang nararanasan nina Julia and Gerald mula sa mga netizens and as we write ay wala pa silang reaksyon or comment tungkol dito.

Matatandaang nagsimulang ma-link sina Julia at Gerald matapos gawin ang pelikulang Between Maybes na ipinalabas last May 15.

Hindi mamatay-matay ang issue na lalo pang uminit nang ianunsyo ng JoshLia in a recent interview na friends na lang sila. Pero itinanggi naman nilang si Gerald ang dahilan ng kanilang hiwalayan.

vuukle comment

BEA ALONZO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with