^

Pang Movies

Naka-private plane Pacman balik-Pinas na

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Naka-private plane Pacman balik-Pinas na
Manny Pacquiao

By the time na binabasa n’yo ito ay siguradong nasa Philippines na ang ating Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao.

Umalis sa Las Vegas, Nevada si Manny noong Sunday, 6:00PM (9:00AM ng Monday sa atin).

Yes, naka-private plane si Manny!

Wow, ang bongga!

Bea nagpapaka-busy sa pelikula at teleserye!

Kahit sa Amerika, ang issue na si Julia Barretto raw ang dahilan ng hiwalayan nina Gerald Anderson at Bea Alonzo ang pinag-uusapan.

Trending topic nga sina Julia, Gerald at Bea.

Magkaayos pa kaya uli ang dalawa?

Anyway, may meeting daw si Bea sa co-stars niyang sina Richard Gutierrez at Angelica Panganiban ngayon sa direktor ng Star Cinema movie nila na si Direk Mae Czarina Cruz-Alviar.

Kahit sinasabing broken-hearted si Bea, magi­ging busy naman siya sa new Star Cinema movie nila nina Richard at Angelica.

Sisimulan na rin nila ni Richard ang new tele­serye nila sa ABS-CBN.

AiAi at Ruffa nag-reunion

Ang nakakaaliw na pagkanta ni AiAi delas Alas sa Miss Philippines USA 2019 noong Sunday sa Alex Theater sa Glendale, California.

Sobrang natuwa ang mga taong nanood ng nasabing beauty pageant dahil nang mag-“more!” sila ay nag­dagdag pa ng kanta si AiAi.

Parang nagsilbing “reunion” din nila ‘yon ni Ruffa Gutierrez na nakasama ni AiAi noon sa morning show ng ABS-CBN, ang Ruffa and Ai.

Kumanta/nag-rap naman si Heaven Arespacochaga sa Miss Philippines USA 2019.

Binatang-binata na ang anak nina Geneva Cruz at Paco Arespacochaga.

Magaling si Heaven at guwapo rin siya!

Pia, accommodating na sa mga nagpapa-picture

Ang dialogue sa akin ng isang kaibigan na um-attend sa London Barrio Fiesta 2019 na mabait naman pala si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach.

Nagp-picture kasama si Pia ang kaibigan ko.

“She’s very accommodating!” sey ng friend ko.

Akala raw kasi ng friend ko ay supladita si Pia dahil ‘yon ang nababalitaan niya sa iba.

“She’s nice!” dagdag pa ng kaibigan ko.

‘Yun na!

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with