^

Pang Movies

Drama actress nag-file na ng divorce, hindi na nakatiis sa mister na manloloko

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Willing palang makipagbalikan ang drama actress na ito sa kanyang non-showbiz husband kahit na nalaman niyang nambabae ito.

Ang masama pa nito ay noong umalis si drama actress sa marital home nila, pinatira ng mister nito ang kanyang other woman sa kanilang bahay.

Noong magkalabuan daw, umalis ang other woman sa bahay at nagmakaawa si mister na balikan siya ni drama actress.

Binigyan niya ng ultimatum ang kanyang husband na hindi siya magpa-file ng divorce, pero kapag bumalik daw siya sa marital home nila dapat ay walang trace ng anumang gamit ang kabit nito. Nangako naman si mister na wala na silang relasyon ng naging kabit niya.

Pero one month pa lang daw sa muling pagsasama nila ay may natagpuan na lipstick si drama actress sa kotse ng kanyang mister. Hindi naman daw sa kanya iyon dahil hindi siya gumagamit ng gano’ng brand.

Sey ni mister na sa sister daw niya iyon, minsan daw kasi ay nagpasundo ang sister nito sa airport at baka raw nahulog daw ang lipstick nito sa kotse niya.

After a week ay may natagpuan na folded letter si drama actress sa glove compartment ng kotse nila. Sulat daw iyon ng kabit ng kanyang mister at gusto na raw itong makipagbalikan.

Nag-isip tuloy ang drama actress na kung ayaw nang makipagbalikan ng kanyang mister sa kabit nito, sana ay tinapon na nito ang sulat. Pero nilagay pa raw ng mister niya ang sulat sa isang lugar na alam niyang makikita ito agad.

Ang ibig sabihin ay gustong makipagbalikan ng mister niya sa kabit nito at hindi na niya ito tinatago.

Kaya ginulat na lang ni drama actress ang kanyang mister nang mag-file ito ng divorce. Mabuti na lang daw at meron silang pre-nuptial agreement.

Mas malaking kumita si drama actress kesa sa kanyang mister kaya wala itong makukuha sa kanyang mga pera. Yung bahay naman daw nila ay inuupahan lang daw nila kaya magdusa raw ang mister nito pagbayad ng buwan-buwan na renta dahil kumuha ng sarili niyang condo si drama actress.

Tanging yaman lang daw ng salawahang mister ni drama actress ay ang kotse nito kung saan nadiskubre ang panloloko nito sa kanyang misis.

Heart tumangging mag-pulitika

Nakakabilib ang Starstruck council na si Heart Evangelista-Escudero dahil napaghihiwalay niya ang kanyang pagiging isang celebrity sa pagi­ging isang governor’s wife.

Kapag nasa Manila si Heart, ang kanyang showbiz commitments ang hinaharap niya. Pero kapag nasa Sorsogon siya, First Lady siya sa kanyang mister na si Governor Chiz Escudero.

Tuwing nasa Sorsogon sila, walang ka-showbiz-showbiz si Heart dahil puro kawang-gawa ang hinaharap niya. Tulad ng recent post niya sa Instagram na binisita niya ang Prieto Diaz Municipal Hospital kung saan naghatid sila ng mga pangangailangan ng maraming patients doon tulad ng gamot, tubig, pagkain, kumot at kung anu-ano pa.

Dahil parating present si Heart sa Sorsogon kapag wala itong masyadong work sa Manila, may nanghihikayat sa kanya na pasukin na ang ma­ging isang public servant dahil tiyak na raw ang panalo niya sa Sorsogon.

Pero wala raw interes si Heart sa politics. Ang interes niya lang daw ay ang tumulong sa maraming taong nangangailangan at hindi raw niya kailangang maging isang politician para magawa niya iyon.

Ex Miss U nagka-depression nang dahil sa BF

Hindi na tinago ni Miss Universe 2012 Olivia Culpo ang tunay niyang pinagdadaanan at ayaw na niyang pagtakpan ito sa pamamagitan ng mga magagandang photos na pino-post niya via Instagram.

Inamin ng Sports Illustrated model na dumaraan siya sa isang personal turmoil na ilang buwan na ang nakakaraan. Nag-ugat daw ito sa pakiki­paghiwalay niya sa New England Patriots player boyfriend, Danny Amendola,

“I was depressed. I had no appetite, was drinking way too much, smoking, couldn’t sleep and couldn’t eat. But I was still taking photos on social media and pretending everything was great.

“I was going through a difficult situation that left me mentally, emotionally, and spiritually bankrupt and it had taken its toll physically.

“The feeling of despair is a relatable one, so I feel a responsibility to anyone else going through something difficult to say that it’s ok to not be ok.

“I am looking healthier. I have my appetite back and am treating my body correctly,” sey pa ng former beauty queen.

Pinaalala pa ni Olivia na mapanlinlang daw ang social media. Kaya raw nitong pagtakpan ang tunay mong pinagdaraanan at grabe raw ang pressure na binibigay nito sa kahit sino.

vuukle comment

HEART EVANGELISTA-ESCUDERO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with