Arjo, Maine
Arjo mas piniling maging alalay ni Maine!
#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo (Pang-masa) - July 16, 2019 - 12:00am

No show si Arjo Atayde sa The Eddys 2019 last Sunday mula sa Society of Philippine Entertainment Editors (SPEED) kaya hindi niya natanggap ng personal ang Best Supporting Actor award niya.

Ang dinig namin, may sakit daw siya kaya hindi nakarating.

Pero sa Instagram stories ni Maine Mendoza, spotted si Arjo sa fund raising project ng Phenomenal Star na ginanap last Sunday afternoon, huh! Kasama pa siya sa isang group picture with matching yakap pa kay Meng, huh!

Siyempre, matapos man nang maaga ang Shop, Bid, Donate fund raising, hindi agad maghihiwalay ang dalawa, ‘di ba? Baka may pinuntahan pa silang iba kaya dedma na si Arjo sa Eddys!

Wala rin kasi namang leakage ng winners kaya may winners ding hindi duma­ting. Ang nangyayari kasi ngayon sa ibang awards night, sinisiguro muna ng malalapit sa nominees kung may panalo sila bago dumalo sa awards night. Sa kaso ng Eddys waley silang ka-leakage leakage.

Baka mas makakatulong si Maine kay Arjo kesa sa acting trophy niya, di ba, Salve A.?

What else is new? Pag winner, sipot sila at pag luhaan, no show!

Sa totoo lang, hindi naman na­ging kakulangan sa 3rd Eddys ang hindi pagsipot ng ilang winners dahil tagumpay naman nila itong nagawa!

Kung may kuwestiyon man sa ibang nanalo, aba, magtayo ng sariling award-giving body at panalunin ang gusto ninyong artista, huh! (Naman tito. Ok na ok lang kahit wala sila. Hehehe. Dami namang ibang artista. - Salve)

Bitoy pinasaya ang mga taga-CDO

Hindi nakarating si Dawn Zulueta sa isang mall show sa Cagayan de Oro City para sa movie nila ni Michael V. na Family History.

Eh kahit wala si Dawn, kineri ni Bitoy na pasayahin ang mga taong du­magsa sa mall show, huh!

Ang Family History ang comeback ng GMA-7 sa pag-produce ng movie under GMA Pictures. Joint venture ito with Mic Test Entertainment ni Michael V.

ARJO ATAYDE MAINE MENDOZA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with