^

Pang Movies

Julie Anne dedma sa tukaan ni Benjamin sa bagong dyowa!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Julie Anne dedma sa tukaan ni Benjamin sa bagong dyowa!
Julie Anne San Jose

Chelsea Robato ang name ng bagong girlfriend ni Benjamin Alves na ipinalit nito sa kanyang ex-dyowa na si Julie Anne San Jose.

I don’t think na affected si Julie Anne sa mga lumabas na kissing picture ni Benjamin at ng girlfriend nito dahil nakapag-move on na siya.

Saka ang alam ng lahat, si Julie Anne ang nakipaghiwalay kay Benjamin dahil sa mga natuklasan niya tungkol sa kanyang ex-boyfriend.

Pero makakatulong kay Julie Anne ang mga sad experience nito sa relasyon nila noon ni Benjamin dahil magagamit niya sa kanyang July 20 concert sa The Theatre ng Solaire Resort & Casino, ang Julie Anne Sings the Divas.

I’m sure, mas may emosyon at malalim ang hugot ni Julie Anne habang kinakanta nito ang kanyang mga favorite diva song.

Benjamin maaliwalas na uli ang mukha

At dahil may bago nang girlfriend si Benjamin Alves, makakatulong ang karelasyon ng aktor para mabawasan ang kanyang sadness na epekto ng pagpanaw ng tatay niya.

Nakita ng mga reporter na masyadong devastated si Benjamin sa sudden demise ng kanyang ama na sinundan ng break up nila ni Julie Anne.

Ngayong may girlfriend na siya, maaliwalas na ang mukha ni Benjamin at positive na ang kanyang aura.

Gino Roque at Javi Benitez kailangang magpraktis ng Tagalog

Ginanap kagabi sa New Frontier ang Eddys Awards ng Society of Philippine Entertainment Editors.

Excited ako para kina Gino Roque at Javi Benitez, ang dalawa sa mga baguhan na aktor na may magandang background at future businessmen dahil kabilang sila sa mga award presenter.

Pinili muna nina Gino at Javi ang showbiz dahil gusto nila na maranasan ang mga bagay na bago sa kanilang mga paningin.

Nauna kasi ang training ng dalawa sa mga negosyo ng kanilang pamilya. Si Javi, nanggaling pa sa abroad dahil nag-aral siya sa US.

Parehong dapat na matutong magsalita ng straight Tagalog sina Gino at Javi dahil prominent ang kanilang mga American accent at sanay sila na Taglish ang ginagamit sa pagsasalita.

‘They have seen better days’

Sa tuwing nagpapa-check up ako sa doktor, nakikita ko kung paano magtiyaga ang mga kasabayan ko na senior citizen para matingnan sila ng mga doktor nila.

Natutuwa ako na pagmasdan ang mga senior citizen na sinasamahan at binabantayan ng kanilang mga anak at apo.

Talagang nakikita ko ang pag-aalaga ng mga anak at apo sa kanilang mga magulang at grandparents.

Pero mas sympathetic ako sa mga ulilang bata na iniiwan sa ampunan ng kanilang mga magulang.

Para sa akin, ang mga matatanda, they have seen better days, hindi gaya ng mga inosenteng bata na hindi naman ginusto na isilang pero basta na lang iniwan ng kanilang mga magulang.

Ang matatanda, kung inalagaan ng mabuti ang sarili, naging mabait habang tumatanda at nag-ipon para may magasta sa araw ng katandaan nila ay katulad din ng mga nakikita ko na senior citizens na inaalagaan ng kanilang mga anak at apo.

Hindi kagaya ng mga sanggol na ulila at ipinaampon na hindi tiyak ang kinabukasan. Kumbaga sa halaman walang branch, ugat lang.

Ang matatanda, parang ugat na nagkaroon ng mga sanga at depende ang kanyang future sa ginawa niya na  pag-aalaga, pagpapalaki at pagyabong.

Sa buhay hindi mo alam kung saan ka pupunta kaya sana maging maganda ang ending ng lahat ng mga tumatanda, walang iniiwan at pinababayaan ng sariling pamilya.

 

vuukle comment

JULIE ANNE SAN JOSE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with