Aktres perfect na ang ganda, hindi halos makilala sa dami ng pinagawa!
ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pang-masa) - July 15, 2019 - 12:00am

Kundi pa binanggit ang pangalan, hindi pa makikilala ng karamihan sa mga reporter ang isang aktres sa rami nang ipinagawa sa mukha na in fairness, mas lalong nagpaganda sa kanya.

Bukod sa pagpapaayos ng mukha, pumuti pa ang aktres, ang layo na niya sa dating kulay noong pumasok siya sa showbiz. Again, nakatulong ang pagputi ng aktres para mas ma-enhance ang ganda niya. Kaya kung dati, maganda siya, ngayon ay magandang-maganda na.

Ang wish lang ng press people, tigilan na ng aktres ang pagpapabago sa kanyang mukha dahil maganda na nga siya at baka dumating ang oras na tuluyan na siyang hindi makilala at ibang tao na ang maging tingin sa kanya.

Nagmamadaling mag-mature? Bianca mukha nang bold star!

Ang comment ng isang teacher na follower ni Bianca Umali sa Instagram (IG) na konti na lang daw, mukha nang boldstar ang aktres. Mas ok daw kung simple lang ang mga suot ni Bianca at pinayuhan pang ‘wag masyadong magpaka-daring. Hirit pa ng nag-comment, nagmamadaling mag-mature ang young actress.

Mabuti na lang at sanay na sa mga ganu’ng comment si Bianca dahil hindi naman first time na makatanggap siya ng nega comment sa kanyang followers. Saka, hindi lang naman basta umawra si Bianca, para yata sa cover ng magasin ang pinost niyang pictures.

Isa lang naman ang nag-react ng nega dahil karamihan ay nagustuhan ang pose ni Bianca na dahil sa ganda, pwede siyang gumanap na Filipina Marimar at si Migo Adecer ang Sergio.

Dumarami na ang shippers nina Bianca at Migo dahil sa Sahaya at kahit patapos na, hinihiritan na ng kasundo na project ang GMA 7. Magustuhan kaya ito ni Ruru Madrid?

Samantala, natatakot ang supporters nina Bianca at Miguel Tanfelix na baka ang pelikulang Family History na ang last project  nila dahil umalis na si Miguel sa Sunday Pinasaya at wala nang mga eksena sa Sahaya.

Kahit sinabi ni Miguel na dahil sa pag-aaral ang pag-alis niya sa SPS, may mga naniniwala pa ring dahil nag-klik ang tambalan nina Bianca at Migo at dahil kay Ruru, kaya nag-decide si Miguel na magbakasyon muna sa showbiz.

Ken at Daniela bibida sa digital film

Bago ang teleserye nina Ken Chan at Rita Daniela, magbibida muna sila sa Digital Short Film ng GMA News TV na tila Forever ang title. Dahil may ni-record na bagong single sina Ken at Rita na Tayo Ay Forever, baka ito na rin ang gamiting theme song ng digital movie.

Finally, nakahanap na ng bagong makaka-love team si Ken sa katauhan ni Rita para hindi na siya madikit pa kay Barbie Forteza dahil may ilang fans sina Barbie at Jak Roberto na nagagalit kay Ken.

Naging successful ang My Special Tatay, kaya may bago agad project sina Ken at Rita at pang-primetime pa. Hindi na kailangang manghiram pa ng love team si Ken.

Alden nahanapan na ng bagong ka-partner

Ibang pangalan ang naririnig naming ipapareha kay Alden Richards sa bago nitong teleserye sa GMA 7. Kapuso talent din ang balak ipareha sa kanya at ini-imagine na namin kung may chemistry ang dalawa.

Minsan nang nag-guest sa Sunday Pinasaya ang sinasabing ipapareha kay Alden. Hindi lang kami sigurado kung nagkita na sila dahil hindi sa segment na hino-host ni Alden nag-guest ang magandang dalaga.

Sayang at hindi natuloy ang original plan ng production na kunin ang aktres na identified sa rom-com dahil noong time na io-offer na sa aktres ang project with Alden, nakapirma na siya ng kontrata sa ibang network.

May isa pa kaming pangalan na narinig na ipapareha kay Alden at mukhang hindi rin natuloy. Kung matuloy man, hindi siguro siya ang magiging leading lady ni Alden.

Anyway, may lumabas na ring balita na ni-request ni Alden sa GMA-7 na isama sa teleserye niya sina Joross Gamboa at Jeffrey Tam na nakasama niya sa Star Cinema movie na Hello, Love, Goodbye at naging best friends. May problema lang kay Joross dahil may iba siyang project sa ABS-CBN, pero malay natin at magawan ng paraan.

Matagal-tagal pa naman ang teleserye ni Alden, sa Hello, Love, Goodbye muna ang focus nito dahil July 31 na ang showing. Mainit ang reception ng tao sa bawat mall shows na puntahan nina Alden at Kathryn Bernardo at ibang cast.

 

BIANCA UMALI
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with