Sandamakmak na Filmfest makatutulong kaya sa industriya?
ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pang-masa) - July 13, 2019 - 12:00am

Sala-salabat ang mga festival ng mga pelikulang Pilipino. Kanya-kanya sila nang pakulo, pero ang tanong makatutulong nga ba iyan sa pag-asenso ng industriya?

Ang Metro Manila Film Festival, kahit na sabihin mong inirereklamo rin nga ng Mowelfund at maging ng mga guild dahil hindi nila nakukuha iyong dapat na mapunta sa kanila agad, kaya nga may demanda pa sila laban sa MMDA eh, at least alam mong may kinikita pala at may pinupuntahan ang kinikita.

Iyong ibang festivals, lumalabas na hindi kumikita at ang mga gumawa ng pelikula, ni hindi nakakabawi ng kanilang puhunan. Pero umaasa sila na sa pamamagitan ng festivals, kung saan sapilitang ipinalalabas sa sinehan ang kanilang mga pelikula, may makapansin, madala sa ibang festivals sa abroad at baka mabenta. Kailangan kasi nila ‘yang local festivals.

Ang medyo naaapi naman diyan iyong mga sinehan. Isipin ninyo, ipinipilit na wala silang maaaring ipalabas sa buong bansa sa buong isang linggo kundi ang mga pelikulang kasali, na hindi naman kumikita. Papaano naman ang negosyo ng mga may-ari ng sinehan? Sila ang magsasakri­pisyo?

Hindi bale sana kung parang carinderia. Sabihin mong sabay-sabay, walang ititinda sa lahat ng carinderia sa buong Pilipinas kung di gulay, aba kakain pa rin ang mga tao. Pero sabihin mong ang palabas sa sine ay hindi nila gusto, hindi sila manonood ng sine. Napatunayan na iyan nang minsang ipilit nila iyang mga indie sa MMFF, hindi ba for the first time walang nanood sa festival? Ang pinanood iyong mga pelikulang gusto nila na inilabas bago ang festival.

Maya’t maya, may kung anu-anong festival tayong naririnig. Ang tanong, nakatutulong ba talaga iyan sa pag-asenso ng industriya, o nagiging sila-sila, kami-kami, tayu-tayo na lang iyan. Iyong masasabing wala lang, basta may magawa lang.

Sabihin ninyo sa amin, may isa man lang kayang pelikula sa mga festival na iyan na kikita ng kasing laki noong Hello, Love, Goodbye nina Kathryn Bernardo at Alden Richards?

Carla pinagsigawang kasal muna bago anak

Napansin namin iyong pakikipagsagutan ni Carla Abellana sa isang netizen na nagsabing sana daw ay magkaroon na rin sila ng baby ng kanyang boyfriend na si Tom Rodriguez. Ang naging sagot ni Carla, “kasal po muna.”  Inulit-ulit ang sinabi, na sinagot niya ulit ng “kailangan po kasal muna.”

Si Carla nagpapakita ng tamang values, aba eh bago ka mabombo, pakasal ka muna. Magiging problema iyan eh. Papaano kung pagkatapos mong manganak biglang hindi pala kayo nagkatuluyan noong tatay, eh di problema mo. Hahanap ka ng ibang lalaki na aakuin ang responsibilidad ng bumuntis sa iyo. At ikaw naman, habang buhay dala mo iyong sinasabing “naisahan ka.”

Bakit ka nga ba magpapabuntis kung hindi ka pa naman pinakakasalan?

Nominees ng Eddys panalo na agad!

Bukas na sisintensiyahan ang mga nominado sa The Eddys. Pero sino man ang manalo, o hindi manalo, aba malaking karangalan na ninyo iyong na-consider kayo sa isang award na hindi nabibili, hindi nababayaran, hindi nakukuha sa inuman o pakiusapan. Manalo ka man ng isang award, kung alam mo naman sa loob mo na iyon ay binayaran mo, anong karangalan mayroon ka?

Tama iyong sinabi ni Tita Aster Amoyo, “nakakasulasok iyan”. Kaya nga kami open sa pagsasabi na hindi lahat ng award pinaniniwalaan namin.

METRO MANILA FILM FESTIVAL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with