_pang-masa
^

Pang Movies

Mga pampagandang tinda ni Korina palaging out of stock

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Mga pampagandang tinda ni Korina palaging out of stock
Korina Sanchez-Roxas

Kaloka si Chuck Gomez, Salve ha. Ima­gine mo na hawak niya ang Beautederm ng mabait na si Rhea Tan at ngayon mga beauty product naman ni Korina Sanchez-Roxas ang kanyang inilalako? haha.

Ang galing ng mga pro­duct ni Korina. May shampoo, conditioner, bodywash at iba pang pampa-beauty, at madalas out of stock ang mga K Magic product  kaya kapag nakahanap, dapat bilhin na.

Sa dami ding nagtatanong kung paano makabili, nationwide na ngayon ito sa select Mercury Drug Stores sa Luzon, Visayas at Min­danao. Puwede rin bumili sa mga online shopping sites tulad ng Shopee at Lazada. Mayroon din sa Victory Mall Pasay, Caloocan, at Antipolo, at sa mga selected Star Mall branches. Available na rin ito worldwide.

Kahit anong bansa, made-deliver. Kaya nga siguro iniwan na ni Chuck ang Cosmo Skin dahil nasa K at Beautederm na siya no, Salve.

Sino kaya sa kanila ni Jun Lalin ang mas magi­ging mayaman, sino ang mas generous na boss, sila Niño Gutierrez at Red Gatus o si Rhea o si Korina? Joke intriga lang.

Unang taon ng mga newly elected officials, crucial

Ipinaliwanag ni bagong Mayor Joy Belmonte na ang pera na binanggit ng dating alkalde ng Q.C. ay halos P1.5 billion lamang ang matitira sa ending ng 2019.

Ang pera pala na sinasabi na naiwan ay meron nang pinaglalaanan na mga bayarin at nagasta na noong May 31 ang halos kalahati ng pondo.

Zero balance naman pala ang budget sa Maynila dahil bago umalis sa puwesto si former Mayor Joseph Estrada, binayaran niya ang mga firetruck na binili para sa mga bumbero.

Dapat sinasabi agad ang kumpletong detalye para hindi nagkakaroon ng miscommunication pero sabi ko nga, crucial ang first year ng panunungkulan ng mga newly elected officials dahil tiyak na titingnan at tututukan na mabuti kung paano patatakbuhin at pamamahalaan ng mga bagong alkalde ang Quezon City, Manila at Pasig. At least, makakatulog na ako dahil sa malinaw na paliwanag ni Mayor Joy at ng kampo ni Papa Erap.

KORINA SANCHEZ ROXAS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with