President Rodrigo Duterte
Duterte hindi kayang tularan nina Sec. Locsin at Cong. Cayetano
STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - July 3, 2019 - 12:00am

Laugh ako nang laugh sa nangyari sa Cebu City Hall na halos gibain ng former mayor.

Hindi na magamit ng successor ng natalo na mayor ang opisina nito dahil inalis ang tiles, kisame at mga divider. Puwede pala  ‘yon? Ganoon na talaga ang ginagawa ng outgoing official? Kaloka di ba?

Sa panahon ngayon, marami nang bago ang nagaganap sa paligid at nararanasan natin.

Ngayon lang tayo nagkaroon ng presidente na puwedeng magmura sa national television, puwedeng magsalita nang wala sa protocol, puwede nang pagalitan ang  mga pari ng simbahan at marami pang iba.

Talagang ginulat tayo ng bagong kalakaran kaya lahat nagtatanong ng puwede ba ‘yon?

Noong una, parang bago. Wow, type ko dahil normal na tao kapag nagpakita ng galit  pero sabi nga, nasa nagdadala ‘yan.

Okey kay President Rodrigo Duterte pero hindi na maganda na pakinggan sa tenga nang tawagin na boba ni DFA Secretary Teddy Locsin si Vice President Leni Robredo. Kung sabagay, hindi na bago kay Locsin ang pagpapakontrobersyal dahil headline ng mga diyaryo ang kanyang middle finger sign para sa mga protester noong maglingkod siya sa administrasyon ng pumanaw na pangulo na si Cory Aquino.

Hindi rin maganda sa pandinig ang mga sinasabi ni Alan Cayetano tungkol  sa asawa ni Lord Velasco. Parang nawala ang respeto sa kababaihan at ibang kultura na ang nangyayari.

Sabi ko nga, may mga tao na matatanggap natin ang mga ginagawa niya na “off “ sa iba pero merong mga hindi maganda na magdala ng asal-kalye.

Huwag na sanang gayahin ng mga official ni Papa Digong ang pagsasalita niya ng masasakit dahil hindi sila cute at hindi nakakatawa.

Si Papa Digong lang ang puwedeng magdala ng ganoong karakter pero ‘yung iba na trying hard copycat, pangit ang dating nila sa mga tao.

Naku, ibang mga eksena na talaga ang mga nangyayari sa bayan natin kaya dapat na maging vigilant at mag-ingat na lang tayo.

Matatanggap n’yo ba na tuwing may mayor na matatalo sa eleksyon, sisirain niya ang kanyang opisina para hindi pakinabangan ng iba?

Pelikula nina Dawn at Michael V. mahirap hulaan ang kuwento

Hindi na ako nakapunta kahapon sa grand presscon ng Family History ng GMA Pictures dahil kasabay na kasabay ito ng Take It…Per Minute, ang live online show namin nina Cristy Fermin at Mr. Fu.

Nabalitaan ko na lang na in full force na dumalo sa presscon ang mga executive ng GMA-7 bilang suporta sa comeback movie ng film outfit ng Kapuso Network.

Sinabi ng GMA-7 executive na si Lilybeth Rasonable na perfect vehicle ang Family History na comeback movie ng GMA Pictures.Maganda raw ang kuwento ng pelikula na mahirap hulaan ang plot dahil masyadong dramatic ang trailer. Naninibago ang mga tao kay Michael V. dahil seryosong-seryoso ang mga eksena niya sa trailer ng Family History eh kilala siya na mahusay na comedian.

‘Yun nga ang magic ng pelikula na dapat panoorin para malaman ng moviegoers ang twist sa unang movie team up nina Michael V. at Dawn Zulueta.

PRESIDENT RODRIGO DUTERTE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with